Showing posts with label heartbreak. Show all posts
Showing posts with label heartbreak. Show all posts

Friday, May 2, 2014

Darating Din Ang Tamang Panahon

Mahirap maghintay ng tamang oras, ..
Walang sinumang makatutukoy kung kailan ito. Walang sinumang makapagsasabi kung hanggang saan hahantong ang paghihintay dahil wala rin namang kasiguraduhan na lahat ng plano mo sa tamang oras ay gagana.
Naghihintay ka lang ng oras kung kalian mo masasabi ang nararamdaman mo para sa kanya, kasi, ‘di mo kayang sabihin dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang ibang mga bagay.Pinakikinggan mo lang ang pitik ng bawat Segundo dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman, hindi naman dahil sa torpe ka, kung’di dahil natatakot ka sa kung anuman ang magiging reaksyon niya pag nalaman na niya ang iyong nararamdaman para sa kanya. Mahal mo nga siya,pero ‘di mo masabi dahil buong buhay mo kaibigan lang ang turing niya sa’yo, at natatakot ka na baka sa isang iglap ay mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan.
            MAHIRAP! SOBRANG HIRAP…
Nagtitiis ka, wala kang ibang gagawin kung’di magtiyaga at maging kuntento sa kung anuman ang kaya lang niyang ibigay sa’yo, kahit na walang kasiguraduhan kung balang araw ay kaya niyang maibigay sa’yo ang pagmamahal na hinihiling mo nang patago.
Hindi mo malalaman kung hanggang kalian ito dahil habang naghihintay ka ay may mga importanteng bagay na nakakalimutan mo dahil sa halu-halong nararamdaman mo.Hindi mo rin alam kung susuko ka ba  sakaling ‘di niya masuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya.
At sa iyong paghihintay, maraming pagsubok, napapaisip ka nalang na baka “walang tamang oras ” para sa inyong dalawa, natatakot ka na baka sa isang iglap ay lamunin ng pagkabahala ang lahat ng inyong pinagsamahan. Nababahala ka dahil minsan, ayaw mo na itong ituloy, pero may bumubulong pa rin sa iyong pagkatao na kakayanin mong maghintay dahil siya na talaga ang gusto mong makasama. Nahihirapan ka dahil sa haba ng panahon ng iyong paghihintay ay marami ng mga bagay ang iyong sinakripisyo – sinarado mo ang puso mo sa ibang tao dahil gusto mo siya lang ang nagmamay-ari nito, kahit na hindi ka sigurado kung kaya ba niyang buksan ang puso niya para sa’yo.

            May mga kaganapang hindi natin inaasahan, may mga kaganapan din namang inaasahan natin ngunit hindi kagaya ng iniisip natin, minsan ay mas higit, minsan naman ay kulang. Maraming mga bagay dito sa mundo ang dapat pa nating intindihin ng mas malalim—ang pagmamahal na nahahati sa maraming aspeto ng ating buhay. Pagmamahal na baling araw ay gusto nating makamtan, hindi man ngayon ,ngunit darating din ito SA TAMANG PANAHON.


Tuesday, February 26, 2013

KAIBIGAN O KA-IBIGAN ???

PAANO NA KAYA -- BUGOY DRILON ... isang kanta kung saan relate ang maraming tao ... paano naman kasi eh uso na naman ang pagdedevelop ng friendship tapos nagiging bestfriends and then hidden feelings for each other ..mahirap naman itago pero kailangan gawin upang hindi masira ang pinagsamahan .. (yun agad ang iniisip kadalasan eh ...)


SAbi nila, kung kelan mas nagiging close kayo, mas nahuhulog ka sa kanya …Siguro totooo yun, PERO ang tanong … dapat ba? O pipigilan nalang para hindi masira ang lahat ng mga alaala ng iyong pinagsamahan …Yan ang mga bagay na umiikot sa aking isipan sa tuwing naiisip ko kung kailangan ko na bang magtapat sa isang taong hindi ko kayang mawala sa buhay ko , ..
      Sa bawat araw na kasama ko siya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang kumpleto ang araw ko sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti .Hindi ko nga lubos maisip na dumating siya sa buhay ko …Hindi ko inaakalang magiging ganito ang lahat ,..hindi ko rin inaasahang mahuhulog ako sa kanya. Mahal ko na siya …pero bakit ganon ? hindi ko alam kung itutuloy ko ba o hahayaan ko nalang na matago sa sarili ko dahil natotorpe at natatakot ako na baka mawala ang lahat-lahat dahil lamang sa nararamdaman ko. Hindi ko rin malaman kung ano nga ba ang dapat kong gawin dahil kumplikado ang sitwasyon .
      Pero sabi nga nila, kung talagang mahal mo siya …ipaglaban mo, pero kaya mo pa bang ipaglaban kung ang sitwasyon ay nagmumula sa pagtatago ng tunay na nadarama habang pinapanood mo ang bawat kilos niya nang hindi nagpapahalata upang hundi ma buko sa mga kinikimkim mong SAYA dyan sa PUSO MO…
      OO , mahirap nga di ba ..yung tipong nangangamba ka na baka dumating yung araw na kahit na magkabanggaan kayo ay balewala nalang ..
      Hindi ko na tuloy alam kung ano ang aking gagawin ,ginawa ko na ang lahat-lahat ,,pero bakit di ko pa rin magawang magtapat? … Hindi naman ako nagmamadali , pero …SANA, siya na talaga ang babaeng mamahalin ko habang buhay …Nasa kanya na ang lahat … Ang ugali, kilos, ganda at ang pag-aaruga na binibigay naming sa isa’t isa upang protektahan ang lahat ng mga pinagsamahan…
      Minsan nga gusto ko Na talagang magtapt pero kahit anong aking gawin , WALA TALAGA, yung tipongnawawalan na ako ng lakas ng loob sa tuwing makikita mo na siya…kaya siguro mas mabuting ilihm ko na muna … baling araw malalaman din niya…SABI NGA NILA … TRUE LOVE WAITS.



Monday, February 11, 2013

Tagalog Love Quotes

follow me on twitter ;) @charldroidz

*Matuto kang sumuko pag nasasaktan ka na ng sobra. Minsan kasi ginagago ka na, kinikilig ka pa.


*Lahat ng kasalanan kayang kalimutan, pero hindi lahat ng nakaraan kayang ibalik ng kapatawaran.

*Yung eksenang sana kasing bilis ng pag-fall sa kanya ang pag-move on sa lahat ng bagay na 
namigitan sa inyong dalawa.

*Lahat naman tayo nasasaktan, magaling lang talaga magtago ng tunay na nararamdaman ang ilan.

*Kapag ako NAGSESELOS, hindi ko ipapahalata. YAYAKAPIN nalang kita at ibubulong ko, "ISANG LAPIT PA SA KANYA, MALAYA KA NA."

*Mahirap daw magmahal ng taong iba ang gusto. Pero mas mahirap magmahal ng taong akala mo ikaw ang gusto..

*Huwag kang malungkot dahil lang iniwan ka niya. Tandaan mo maraming nagmamahal sa'yo.


*Wag ka mag alala next time ako naman mambabalewala para marealize mong tanga ka at pinabayaan mo ko :)

*Yan ang mahirap pag nakikipagsabayan, di mo alam kung sinong pwedeng masaktan.

*Magiging masaya ka ba? Kung may nagmamahal nga sa’yo. Pero ang kapalit nun e nang-iwan siya ng ibang tao para magkaroon ng ‘KAYO’?

*Pangarap - salitang hindi magkakatotoo ng wala kang ginagawa para maabot mo ito

*Minsan hindi ka naman talaga binabalewala. Iniisip mo lang na mahalaga ka sa kanya kahit hindi naman talaga..





*"Sabi nila pag may umalis may dadating, sus kahit wag na silang dumating wag ka lang umalis."


*Minsan, dapat matuto tayong bumitaw. Dahil mas okay na ang maging malungkot ng panandalian kesa magmukhang tanga ng matagalan.

*ng tunay na lalake hindi sa text nanliligaw, dapat sa personal. pero hindi lahat nang nanliligaw sa personal, seryoso.

Thursday, January 10, 2013

B E S T F R I E N D VS. K A R E L A S Y O N


        B E S T F R I E N D   VS.  K A R E L A S Y O N


Mahirap maipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong mamili sa dalawa kung sino ang mas matimbang dyan sa puso mo. Hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo. Hindi mo alam kung sinong papanigan mo.
May mga oras na napapaisip ka kung ano ang gagawin mo. Kapag pinili mo ang isa sa kanila , masasaktan ang isa.Kapag wala kang pinili, masasaktan parin sila . Ilagay nalang natin sa sitwasyon ng mag best friend at girlfriend/boyfriend. Hindi natin maiiwasan na mahulog ang loob sa taong lagi nating kasama. Yung tipong ikaw ang tinatakbuhan niya sa tuwing may problema. Yung tipong parang kayo nalang dalawa ang tao sa mundo. To be spcecific—ang bestfriend mo. Hindi ba’t siya ang nasasabihan mo ng mga sikreto mo? Hindi ba’t siya ang laging nakakaintindi sa’yo? Hanggang sa nahulog na ang loob mo sa kanya. Ang problema, kung kailan naman mayroon ka nang iba at saka ka naman nahulog sa kanya. Naiipit ka sa sitwasyong hindi mo naman inakalang mangyayari. Hindi naman natin kasi maiiwasan iyon .
Sino nga ba ang pipiliin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon?Ang bestfriend mo na laging nandyan, na lagi mong karamay, na lagi mong kasama, na laging nagpapasaya sa’yo, na laging nagtutulungan, na naging totoo sa’yo? Oh ang karelasyon mo na dumating sa buhay mo, na minahal ka ng totoo, na naging tapat sa’yo, na naging inspirasyon mo?—mahirap! SOBRANG HIRAP!Parang sasabog ka na dahil hindi mo alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin mo. Magulo! Nakakabahala! Minsan dumadating pa sa puntong pinag aaway mo ang isip at puso mo. Sino nga ba ang mas matimbang sa’yo?

Kung ako ang tatanungin ay maguguluhan din ako. Mahirap mag desisyon.Ito na siguro ang pinakamahirap na pagsubok sa pag-ibig—ang maipit sa dalawang taong pinakamamahal mo at dumating sa puntong kailangan mong mamili sa dalawa. Kailangan bang isakripisyo ang isa para sa isa?
Ilagay nalang naitn sa ibang sitwasyon. Kung nangangailangan ng blood donor ang bestfriend mo at ang gf/bf mo dahil sa malubhang karamdaman, nagkataon namang blood type O ka na isang universal blood type. Sa loob ng 5 minuto ay may papanaw na sa kanila kung hindi nabigyan ng dugo. Sino ang pipiliin mong mabuhay? Si bestfriend ba o si gf/bf?

            Kung seryoso akong sasagot, hhhhhhhhhmmmm… mahirap parin sumagot. Pero isa lang ang masisiguro ko. Kahit kunin pa ng mga doctor ang lahat ng dugo ko sa katawan para lang maisalba ang buhay nila ay gagawin ko, dahil ganon ko sila kamahal. Pero kung isa lang ang pipiliin, wala sanang magagalit sa aking kasagutan dahil si bestfriend ang pipiliin ko dahil:
1.        Ang bestfriend ko ay matagal ko nang kasama, matagal ko nang karamay, matagal ko nang pinagtatanggol, matagal na matagal ko nang kasama na dumating na sa puntong hindi ko na gugustuhin ang mawala siya.
2.       Naipit ako sa sitwasyon, kaya hindi ko alam kung kanino ako mag-aalala. Pag ang karelasyon ang nagsakripisyo, natural ang masaktan ako, pero ilang buwan lang ang makalipas ay matatanggap ko na at patuloy ko parin siyang mamahalin.Pero si bestfriend, sa oras na hindi ko na siya makasama, parang kulang na ako dahil wala siya.Habang buhay kong maaalala ang lahat ng pinagsamahan namin. Habang buhay kong dadalhin sa loob ko ang bigat na nararamdaman ko kapag nawala siya. Ganon ko kamahal ang bestfriend ko.
3.       Kasama ko na si bestfriend bago ko nakilala ang karelasyon.
4.      Alam kong masasaktan si karelasyon habang binabasa niya ito ngayon pero alam kong miintindihan niya kung bakit si bestfriend ang pinili ko. Mahirap ang sitwasyon ko kung ganoon ang pangyayari kaya alam kong maiintindihan niya kung ano man ang desisyon ko.
5.       Sanay na ako na lagi kong kasama si bestfriend kaya parang wala na ring saysay ang buhay ko kung mawawala siya sa buhay ko. Siya ang una kong tinatakbuhan sa oras na may mga suliranin na hindi ko masolusyonan ng mag-isa. Siya ang naging karamay ko sa mga panahong nahihirapan na ako.

Sa puntong ito ay hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal ang aking karelasyon(kung meron man). Hindi ko sinasabi na binabalewala ko siya. ‘Ang sinasabi ko lang ay kung ano ang aking desisyon kung ako ang nasa sitwasyong iyon. Dahil ang taong tunay na nagmamahal, inuuna ang bestfriend bago ang karelasyon. Ang tunay na nagmamahal, mas matimbang ang bestfriend kaysa sa karelasyon, dahil kung hindi… hindi ka rin marunong magmahal.Alam kong mahirap intindihin , ngunit alam ko ring kaya mong intindihin dahil higit na mas matimbang ang pinagsamahan ng dalawang kilala talaga ang isa't isa kaysa sa dalawang hindi alam kung hanggang saan ang kaya nila.

"Paghihintay sa Taong Minamahal"


PAGHIHINTAY SA  TAONG MINAMAHAL…







Pintig ng puso … isang bagay na hindi natin mapipigilan … isang bagay na hindi mo kayang ititgil sa anumang nararamdaman …kusa itong napapagod, kusa itong nasasaktan. Kusa itong titigil kapag hindi na nakakayanan ang nararamdaman …
Ganyan din sa pag ibig … hindi natin kailangang piliting iparamdam sa sarili natin na tayo ay nagpapakatanga … hindi natin kailangang iparamdam sa sarili natin na tayo ay napag iwanan na ,,,
Pero …minsan talaga , kailangan muna nating maramdaman bago natin malaman diba … Ewan ko ba kung ano na naman ang sumagi sa isip ko at nagsusulat na naman ako …
…. Pero ano nga ba ang punto ko dito sa akdang ito  ?? ..
Hay .. talaga nga naman oh , MAY INIISIP NA NAMAN KASI Ako … Hindi naman ako EMO ..ganito lang talaga ako .
Ganunpaman ,pag usapan nalang natin ang punto ko ngayon …
“TIME IS MEANINGLESS WHEN YOU ARE WAITING FOR THE ONE YOU LOVE”
 …Gaano katotoo ang quote na yon ..
Meaningless pa rin ba kung ang paghihintay mo say napunta na sawala ?
Meaningless pa rin ba kung napagod ka na kakahintay sa taong alam mong malabong mapunta sa’yo ?
Meaningless pa rin ba kung nabulag na any iyong mga mata kakatitig sa orasang tila ang tagal umikot …
Oh sadyang  sumusuko ka lang talaga?!!

Iyan lang naman kas ang nakikita kong reason kung bakit hindi natin kayang maghintay ng napakatagal na panahon di ba?
Pero ganunpaman , hindi ibig sabihin na sumusuko ka na dahil hindi mo na siya mahal ..minsan kasi , ito lang ang paraan upang  makamtan ninyong pareho ang kaligayahan …
Pero , hindi na nga ba dapat ipaglaban … tutal naman eh nakaya mo ang paghihintay ,,, depende na siguro sa sitwasyon yun… May mga tao kasing handa talagang maghintay at ipaglaban ang taong mahal nila …may mga tao rin namang tinatanggap nalang ang realidad na hindi talaga sila para sa isa’t isa…
Hay …!!! Bakit ganyan sa pag ibig noh? Pagdating sa paghihintay marami ang naiinip at sumusuko …
Sa sampung taong naghihintay , 3 nalang siguro ang natitirang matatag … tapos ..yung iba ..tinanggap nalang na talunan sila …
Pero mayroon naman tayong kanya kanyang perspektibo pagdating sa mga bagay na yan …
Minsan kasi ..kailangan mo nang bitawan ang iyong ipinaglaalaban para hindi ka nalang patuloy na nasasaktan …
Minsan naman , kailangan mo talagang ipaglaban para patunayan na kahit nasasaktan ka na ..siya parin ang nilalaman ng iyong puso’t isipan …
Ganyan naman talaga eh …
KUNG HANDA KANG MAGHINTAY…
Kailangan mong maging matatag …dahil walang sinumang makakaalam kung kailan …oh kung hanggang saan ang kaya mong ipaglaban …
Pero ayos lang yan , ikaw pa rin ang may hawak ng iyong kinabukasan ,ikaw pa rin ang nakakaalam kung sino ang gusto mong makasama habangbuhay … KUNG palagay mo ay siya na ,,siguraduhin mo muna,,,bago ka maghintay…at kapag sigurado ka na …maging matatag ka sa paghihintay at huwag kang susuko…dahil lahat ng bagay na hinihntay ng napakatagal ay higit na nakakapagpasaya ng iyong kalooban kapag iyo nang nakamtan …
Hay !! GO lang ng go!! Wag kang susuko …inumpisahan mo na eh ,,kaya panghawakan mo na !
Pero paano naman kung ang hinihintay mo ay ang taong pilit kang kinakalimutan … Ibang isaan na yan …
Patunayan  mo ang sarili mo sa kanya …ipaglaban mo hanggang kaya mo pa ..ngunit kung binabalewala niya …wag ka namang magpakatanga ..tigilan mo na, baka hindi talaga kayoang para sa isa’t isa ..malay mo ,,pag handa ka nang kumawala …dumating naman ang totoong magpapaligaya sa’yo … ito ay isang pagsubok lamang ng  PAGHIHINTAY … HANDA KA NAMAN BA???


**UPDATED COMMENTS  via text message / E-mail**

*Jericho(Bulacan)- Paano po kung ang taong hinihintay mo ay ang bestfriend mo ?

REPLY>>>
Inlove with your bestfriend ? isang napakahirap na sitwasyon , isangsitwasyon kung saan sigurado akong dii mo masabi-sabi dahil natatakot kang mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan …natatakot kang sabihin dahil baka pumusta ka sa isang sugal na maaari mong ikatalo at ikatalo ng inyong pagkakaibigan. At dahil bestfriend mo nga sya , natural lang ang mahulog ka sa kanya  … ngunit ang mahirap na parte dito ay ang paghihintay …Hindi mo na nga kayang sabihin , hindi pa nya maramdaman …parang isang napakalabong sitwasyon sa pagitan ng TORPE t MANHID …ngunit magdasal ka lamang at huwag sumuko sa anumang pagdadaanan mo .
   Mahirap ang sitwasyon mo … ngunit ang tanong … handa mo bang isugal ang inyong pagkakaibigan at palitan ng inaasam mong pag-ibig ? ..Kung handa ka …kailangan mong iparamdam sa kanya …ngunit payo ko lamang ,,,,,  madali ang umibig sa kanya ngunit mahirap ang magparamdam ,,,kaya dapat hindi ka mawalan ng pag-asa! Kaya mo yan bro! J may tiwala ako sa’yo ..i will wait
 for that special day of yours to come J GOODLUCK! DON’T LOSE HOPE! …

*Shela(Quezon City)- Naghintay naman po ako , kaso nawalan na ako ng pag-asa  …at ngayong mayroon na akong iba, feeling ko siya pa rin talaga …Ano pong gagawin ko ..

REPLY>> bigyan mo muna ng chance ang relationship nyo ng bf mo ngayon …try to put your focus on your relationship…at kung hindi talaga effective, alamin mo muna sa sarili mo kung siya ba talaga ang hinahanap mo ,, alamin mo muna kung siya talaga ang tinitibok ng iyong puso …tandaan mo ,isa lang ang ating puso … hindi mo naman siguro sasagutin yang bf mo kung hindi ka nagbigay ng motibo para mahalin ka nya di ba … alam kong mahal mo ang bf mo ngayon ..hindi mo lang mailagay ang focus mo sa kanya dahil di ka pa nakakapag move on sa taong hinintay mo …Subukan mong palayain ang sarili mo mula sa pagkakakulong ng taong nagpaasa sayo ..malalaman mo ang sagot sa mga katanungan mo J ALWAYS PRAY  J and keep your mind and heart mingle with each other… dapat kung anong sinasabi ng puso ,yun din ang nasa isip mo ,para walang sitwasyong magpapagulo sa buhay mo J



J I’m willing to help …


Wednesday, January 9, 2013

PAGKATAPOS NG BREAK-UP :(



KINABUKASAN PAGKATAPOS NG BREAK-UP..

Titignan mo ang cellphone mo. Wala na ang text niya. Babasahin mo ang mga huling mensahe niya sayo. Umpisa palang ng araw parang ayaw mo nang tumayo sa kinahihigaan mo. Wala nang magsasabi sayo na kumain ka na. Wala nang magagalit sayo kapag humindi ka. Ang tahimik ng paligid. Titignan mo ang picture frame mo. Kayong dalawa ang nakalagay. Hahalikan mo ang litrato niya. Hindi ka handa sa nangyari. Medyo maluluha ka. Dahil hindi mo pa talaga tanggap. Naalala mong nadala ka lang ng iyong galit. Kaya nangyari iyon. Hiniling mo na sana bumalik ang oras na tinaasan mo ang iyong pride. Hiniling mo na sana lumaban pa siya. Para hanggang ngayon kayo paring dalawa. Susubukan mong i miscall ang phone niya. Kapag nag ring ibababa mo agad. Nag paparinig ka sa GM. Pero sa kanya mo lang talaga i sesend. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Hindi ka makakain. Ang lungkot ng paligid. Walang sensyales na magiging masaya ka. Daig mo pa ang may hangover sa lahat ng bagay. Lahat ng Love songs na nakakalungkot. Nakakarelate ka na.

Pero kapag dumating yung time na tanggap mo na lahat ng nangyari sainyo, na hindi na muli magiging kayo.. Isang araw ipagpapasalamat mo na kahit hindi pala siya ang nakalaan sayo, atleast naging parte siya ng buhay mo. Kahit na nagkasakitan pa kayo..

Thursday, December 20, 2012

It will make a difference! :) --

Don't care if you have a boyfriend or girlfriend right now. Just read this, it will make a difference.
If only everyone could see this and understand it.

When she stares at your mouth
- Kiss her
...

When she pushes you or hits you like a dumb ass cuz she thinks shes stronger than you
- Grab her and don't let go

When she starts cursing at you tryin to act all tuff
- Kiss her and tell her you love her

When she's quiet
- Ask her what's wrong

When she ignores you
- Give her your attention

When she pulls away
- Pull her back

When you see her at her worst
- Tell her she's beautiful

When you see her start crying
- Just hold her and don't say a word

When she teases you
- Tease her back and make her laugh

When she doesn't answer for a long time
- Reassure her that everything is okay

When she says that she loves you
- She really does more than you could understand!!

When she grabs at your hands
- Hold her's and play with her fingers

When she says to leave
- She still wants you with hers

If you had someone when u read this quotes and he/she always on your mind this whole time
it means he/ she is ur truly love :)) ♥♥♥

TRUE LOVE ... TRUE PERSONS INVOLVED!

True LOVE....... 
Great LOVE !

A young couple was very much in... love 'n decided to get married.
Some months before marriage, the bride had an accident and remained with face completely disfigured.

She write to her fiance :-
"I can't marry you, I will stay sharp and ugly forever.
Find another beautiful young woman as you deserve, because i'm not worthy of you ! "

Few days later, she ... received this answer from her fiance :-
" Whoever is truly shamfull is me, i thrust in that following to eye disease, the doctor just told me that i will stay blind forever !
If despite this, you want to accept me, i still want to marry you ! "

They get married at that time, the fiance was totally blind.

They lived 20 years in LOVE, in joy and understanding.

She was his guide and became his eyes and light.

LOVE has guided into the tunnel of darkness.

One day, she became seriously ill and dying, she regretted living him alone in the darkness.

The day she died, he opened his eyes to the astonishment of all... !!

" I was not blind, he said...
I pretended that i was blind, for distressed her in the thought that i will see her face disfigured. Now my LOVE based on her ! "

MORAL :- TRUE LOVE SEES BEYOND PHYSICAL BEAUTY, BECAUSE TRUE LOVE IS SEEN WITH THE HEART ♥ ♥ ~

Monday, December 17, 2012

Never Miss a LOVER with the following Qualities ♥


Never Miss a Boy with the following Qualities ♥




When a Boy says Sorry even though He didn't do anything.. :(

When a Boy cries because he still Loves you or misses you.. ♥



When a Boy still tries to get you Back.. ♥


When a Boy no matter how much you hurt him still Loves you.. ♥
When a Boy stops his Argument with his Girl to save his Relationship.. ♥ :/

When a Boy continuously makes U feel special&Tries to make U Happy.. ♥ :)

When a Boy is Upset but doesn't tell you as He thinks He is annoying you.. ♥ :(

When a Boy wants to Leave you because of your Rude behaviour,
but, He is Not able to do.. :/ :(

Don't Let him Go.. ♥

You may never find someone like that Ever again.. ♥ :)

Monday, December 10, 2012

Mahal kita .. noon pa !

 ,,Mahal na kita , noon pa, kaso.. torpe ako eah,  di ko kayang sabihin :(..
Ewan ko kung bakit , pero ganun talaga ang nararamdaman ko ,,

..
 Alam kong darating ang araw na mababasa mo itong sulat na ito ..
.. OO!! Ikaw ,,
..
..
..
..
May mga bagay talaga na hindi ko kayang sabihin sa'yo , hindi ko alam kung bakit ...pero, sa tuwing kasama na kita, natotorpe ako, sa tuwing nakikita kita, napapaatras na ako , ..
Hindi ko nga alam kung bakit nahulog ang loob ko sa yo eh! ..
.. Gabi-Gabi kong pinapanalangin na sana dumating yung araw na mabigyan ako ng lakas ng loob na sabihin sa'yo ang lahat-lahat .. pero sa ngayon , sa isang malabong paraan ng pagpaparamdam ko muna gagawin ..GANYAN TALAGA eH!--- pag dating sa'yo  .. di ko na masabi ang nararamdaman ko ..

 ______Hindi mo ba talaga nahahalata sa mga kilos ko ? Sa trato ko sa'yo ? sa bawat galaw ng ating mundo na para bang tayo nalang ang natira sa planetang ito .  :(
---- Sana dumating ang araw na iyon .,,
Yung araw na PINAKAHIHINTAY KO!!!

-- yung araw na masasabi ko sa yo ,, na MAHAL NA MAHAL KITA!!!!

 ..kaso manhid ka eh .. oh sadyang torpe lang talaga ako , natatakot kasi ako na baka mawala lang ang lahat ng pinagsamahan natin ng dahil lang sa nararamdaman ko .. :(

-- ang hirap ng sitwasyon ko !!
..
..
Pero alam mo ba ? Nais kong malaman mo na MAHAL NA MAHAL KITA!!! HIGIT PA SA ISANG KAIBIGAN!!

-- sana naman ay dumating na ang araw na iyon ..
.. kasi ..  *TANGA NA KUNG TANGA .. PERO MAGHIHINTAY AKO DAHIL MAHAL KITA*

..
..
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ikaw naman kasi eh ,, gumawa ka ng dahilan para mahalin kita ng ganito ..eto ako ngayon .. UMAASA LANG :( ..
SAna mapansin mo ako ! :(

...Pero kahit na nahihirapan na ako , pilit kong sinasabi sa sarili ko na darating din ang panahon na magsasama tayo ,yun bang pang HABANG-BUHAY! kasi..mahal kita eh ..mahal kita .. :(
...Kaya heto ako , handang maghintay hanggang sa dumating yung araw na malaman mo ang buong katotohanan ..
..
(sabihin mo lang sana kung lalayo na ako kung sakaling nalaman mo ..pero sana, hindi .. kasi handa akong ipagpilitan ang sarili ko ..kasi salahat ng babaeng nakilala ko .. ikaw lang ang minahal kong ganito ..!!)
..ALAM MO NAMAN SIGURO yun . . . that you are very special to me ..
..
..
--- *Everything that is worth having is definitely worth waiting*
..kaya handa akong maghintay .. hanggang sa dumating ang araw , na tayong dalawa na ang bubuo ng mga alaala,,,

---EWAN KO BA kung bakit hindi ko masabi sa'yo !-- super close naman tayo ..

 .. Siguro dahil , yun na nga, ayaw kong mawala at mabura ang lahat ng pinagsamahan natin , pero sana naman , mapansin mo rin itong aking nararamdaman sa'yo ...  :(

At kahit napaka informal nitong aking sulat, buong buo naman ang emosyon ko sa bawat letrang aking nilalathala ... dahil ikaw lang ,, tanging ikaw lang  .. ang siyang aking iniibig .. HANGGANGA NGAYON!:(

..
..
..
..

This letter is addressed to : CARRY BONES HILL / ALL HORSE CRY BIN  (decode if you can:))

Wednesday, November 14, 2012

Ganyan Talaga...



Ganyan Talaga…

      Masakit ang masaktan sa pag-ibig. Masakit ang iwanan ng taong mahal mo. Masakit isipin na natapos na ang alamat ng inyong pag-iibigan. Masakit sa damdamin na nabuwag na ang inyong pinagsamahan. Lahat ng iyon ay nang dahil sa pag-ibig. Nagmahal ka, minahal ka, nagkaayos kayong dalawa, pero bandang huli nasaktan ka.
      
Minsan,inisip mo na hindi mo na kaya…sumusuko ka…iyan ang karaniwang ginagawa ng iba. Mahirap. Parang binagsakan ng langit ang lupa.

     Marami na ang nakaranas ng ganitong pangyayari, isa na ako doon. Ganyan talaga ang buhay, akala natin siya na…pero hindi pa pala…
      
Sa una,maayos pa ang inyong relasyon…pero unti-unting may pagbabago… Wala nang pagkakaintindihan… pati ang damdamin ay naguguluhan…Bulong ng isip ay ‘di mo siya dapat pakawalan ngunit ang puso mo …gusto na siyang bitawan…
      
Ganyan ang pag-ibig, nasasaktan ka na pero ipinaglalaban mo pa siya. Nahihirapan ka na pero natitiis mo para sa kanya. Nagpaparaya ka kasi gusto mo siyang maging masaya. Ang hirap ‘di ba? Hindi mo alam kung sinong tatakbuhan mo. Hindi moalam kung sinong lalapitan mo. Hindi mo alam kung anong gagawin mo…kasinaguguluhan ka sa mga pangyayari…
     
Ganyan ang pag-ibig, niloloko ka na pero hindi ka pa rin tumitigil, kasi mahal mo siya…pero siya, hindi na niya pinaparamdam na mahal ka niya. Natututo kang maging manhid dahil sa pag-ibig. Hindi mo siya maiwanan dahil mahal mo siya , pero siya, kaya ka niyang bitawan kapag wala na siyang nararamdaman…
     
Ganyan ang pag-ibig, maraming pagsubok…maraming problema na susubok kung gaano kayo katatag. Hindi mo alam kung ano ang susundin mo, kung ang puso nga ba o ang isip. May mga pagkakataon na napapaisip ka kung tama pa ba ang ginagawa mo o kailangan ng tapusin ang relasyong namamagitan sa inyo. Pag-ibig nga naman…
      
Ganyan ang pag-ibig, minsan kailangang may magsakripisyo para tapusin na ang namamgitan sa inyo.Minsan kailangang hanapin muna ang sarili dahil nawala ito simula ng magmahal siya. Minsan kailangan mo nang pakawalan dahil pareho kayong nahihirapan. Minsan kailangan mo nang harapin ang sitwasyon upang tapusin na ang kaguluhan.
     
Ganyan ang pag-ibig, may kasiyahan, may kalungkutan, may pagmamalasakit… at higit sa lahat, may PAGPAPARAYA- dahil pareho nalang kayong nasasaktan.
      
Ganyan ang pag-ibig, minsan nakakapagod na kaya kailangan mo nang bumitaw. Pero ganunpaman, hindi pa rin siya mawala sa iyong isipan.Masakit mang isipin nahindi na siya babalik ngunit kailangan mong maging matatag…kailangan mong MATAUHAN

Ganyan talaga…umibig ka, minahal ka ,nasaktan ka, pinatawad mo na, pero inulit pa niya…tapos naghihingi pa ng chance, pero di mo na kaya …parte yan ng PAG-IBIG… --- ganyan talaga…

---Charles :)
                                   

My DEFENITION To LOVE


                 MY DEFINITION TO LOVE


       Ang daming nagtatanong sa akin kung bakit ang dami kong alam pagdating sa PAG-IBIG. Bakit nga ba?
Kasi kagaya ng iba, minsan na akong nagmahal, minsan na akong nasaktan, minsan na akong iniwanan, minsan nang nagpakatanga, at minsan ng magmahal muli… lahat ng iyon ay naranasan ko na kaya alam ko ang pakiramdam ng mga iyon.
       Love…Love…Love…minsan akala mo siya na ang para sa iyo, ngayon pala, isa lang siyang tambay na nagpahinga sa puso mo at iiwan ka rin kapag handa na itong maglakbay sa iba pang puso na pagtatambayan din…
       Love…Love…Love… nagbabakasakali ka na kapag nagmahal ka ay may taong susuporta sa’yo, may taong tutulong sa’yo, may taong poprotekta sa’yo at may taong nagmamahal sa’yo---BAKIT mo pa kailangang magmahal kung ganoon lang ang mga reason mo? Hindi ka ba kayang suportahan,tulungan at protektahan ng mga kaibigan mo?ng pamilya mo? Ng mga malalapit sa’yo?...kailangan ba talagang ang taong mahal mo ang gumawa noon para sa’yo? Sino bang mas matimbang--- ang mga kaibigan mo na laging nandyan para sa’yo, o ang taong gusto mong mahalin pero wala kang kasiguraduhan kung hanggang kailan ang nararamdaman niyo?
Love…Love…Love…---kung ako ang tatanungin , malalim ang kahulugan ng pag-ibig … May nasasaktan, may napag-iiwanan, may nagpapakatanga, may martir-martiran(tama!).Iyan nag mga karakter na hindi mawawala kapag pinag-uusapan ang PAG-IBIG.
       “LOVE IS NOT A WAITING GAME”… hindi dapat kayo naghihintayan dahil kung mahal niyo ang isa’t isa, gumawa kayo ng paraan para itadhana kayo ni KUPIDO para sa isa’t isa. Kumwari ka pa na wala kang nararamdaman sa kanya…sa bandang huli, bibigay ka rin pala!...Pero bago ka pumasok sa isang relasyon…isipin mo muna 100  times bago mo pasukin ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Tinatamaan ka ba? Umamin ka na! Alam kong minsan ka ring umibig at minsan karing nasaktan. Pero bilib naman ako sa’yo eh… kasi nalagpasan mo ang lahat ng iyon…”HINDI SAPAT NA MAHAL MO LANG ANG ISANG TAO.DAPAT PATUNAYAN MO. ”—ito ang isang bagay na pinaniniwalaan pero hindi naman pinaninindigan. “Porque crush mo siya mahal mo na siya? Porque tinulungan ka niya sa assignment mo mahal mo na siya? Porque nabunot ka niya noong Christmas Party mahal mo na siya?”...SIGURADO KA BA? Weh, ‘di nga?
       Sa sandaling ito ay gusto kong sagutin mo ang mga tanong na ito:
(note: hindi marunong magmahal at masaktan ang taong hindi naapektohan kahit isa man lang sa mga katanungan …)
       1.    Sigurado ka bang mahal mo siya?O mauuwi din sa wala ang lahat dahil  nagpakatanga ka?
       2.   Mahal mo ba siya dahil kailangan mo siya? O Kailangan mo siya dahil mahal mo siya…o baka naman feeling mo mahal mo siya dahil lagi kang inaasar ng mga kaibigan mo sa kanya?
       3.   Nagpakatotoo ka na ba sa sarili mo? O nagbubulag-bulagan ka pa rin hanggang ngayon dahil akala mo siya na… Hindi mo na nga ba iniisip ang kapakanan ng ibang tao dahil nakapukaw ang atensyon mo sa taong di ka sigurado kung mahal mo?
       4.   Sa edad mong iyan sigurado ka bang siya na?O sinusubukan mo lang para maranasan kung paano ang mararamdaman mo kapag ikaw ay nagmahal?Hindi mo ba inakalang maaari ka rin namang masaktan?
       5.   Handa ka ba sa mga problema at pagsubok na haharapin mo sa pinasukan mong iyan?O hanggang ngayon ay naguguluhan ka pa rin kung mahal mo talaga siya?
       6.   Nakailang relasyon ka na? Hindi ka pa ba natatauhan? O sadyang ginagawa mo nalang laruan ang pag-iibigan?
       7.   May nagmamahal ba sa’yo?O palagay mo ay wala kaya naghahanap ka ng taong makakapiling mo ng panandalian? Hindi ka pa ba kuntento na magkaibigan lang kayo? O sadyang gusto mo siyang mapa-sa’yo dahil siya ang kaligayahan mo…pansamantala?
       8.   Hindi mo ba naisip na sa edad mong iyan ay mas kailangan mong unahin ang ibang bagay kaysa sa pag-ibig dahil hindi naman tumitigil ang pagtukso ni Kupido ?
       9.   Inspirasyon mo nga ba siya? O baka naman atensyon lang ang kailangan mo sa kanya? 
       10. Hindi mo nga ba kaya na iwanan ka niya? O natatakot ka lang na masaktan kapag dumating na ang araw na iyon?

Love nga naman… ginagawa nalang laruan ng ibang nag-iibigan.Laging may pinag-aawayan(nonsense lang naman ang reason), may tampuhan(kumwari lang naman para maglambingan), may nakikipaghiwalay(pagkatapos makikipagbalikan…ano yon?back to normal agad??pbb teens!??), may naiiwan(kasi naman tanga-tangahan), may nagsusumbatan(tapos magsosorry …ano ba ANG SORRY? Isa ba itong banal na kasabihan na laging dapat paniwalaan? Pagkatapos ka niyang sumbatan nakuha mo pa siyang pagbigyan?!pbb teens??!!KATANGAHAN!!)
Para sa mga matitibay ang relasyon, ipagpatuloy lang sana ang bagay na inumpisahan, at sa mga iniwanan, normal lang ang umiyak…iyan ang pinakamagandang paraan para mawala ang sakit ng loob, pagkatapos, “START A NEW DAY WITH A SMILE!” Sino ba siya para iyakan mo? Ano bang karapatan niya para saktan ang puso mo? Just stay strong… Darating din ang tamang panahon na mawala ang sakit na loob na nararamdaman mo… ilabas mo ang saloobin mo at isipin kung anong aral ang natutunan mo sa pagpapakatanga mo…tandaan—“LOVE makes you crazy for no reason, but it makes you cry to teach you a lesson J”.I hope you learned after reading this text J!