MY DEFINITION TO LOVE
Ang daming nagtatanong sa akin kung bakit
ang dami kong alam pagdating sa PAG-IBIG. Bakit nga ba?
Kasi kagaya ng iba, minsan na akong nagmahal, minsan na akong
nasaktan, minsan na akong iniwanan, minsan nang nagpakatanga, at minsan ng
magmahal muli… lahat ng iyon ay naranasan ko na kaya alam ko ang pakiramdam ng
mga iyon.
Love…Love…Love…minsan akala mo siya na
ang para sa iyo, ngayon pala, isa lang siyang tambay na nagpahinga sa puso mo at
iiwan ka rin kapag handa na itong maglakbay sa iba pang puso na pagtatambayan
din…
Love…Love…Love… nagbabakasakali ka na
kapag nagmahal ka ay may taong susuporta sa’yo, may taong tutulong sa’yo, may
taong poprotekta sa’yo at may taong nagmamahal sa’yo---BAKIT mo pa kailangang
magmahal kung ganoon lang ang mga reason mo? Hindi ka ba kayang
suportahan,tulungan at protektahan ng mga kaibigan mo?ng pamilya mo? Ng mga
malalapit sa’yo?...kailangan ba talagang ang taong mahal mo ang gumawa noon
para sa’yo? Sino bang mas matimbang--- ang mga kaibigan mo na laging nandyan
para sa’yo, o ang taong gusto mong mahalin pero wala kang kasiguraduhan kung
hanggang kailan ang nararamdaman niyo?
Love…Love…Love…---kung ako ang tatanungin , malalim ang
kahulugan ng pag-ibig … May nasasaktan, may napag-iiwanan, may nagpapakatanga,
may martir-martiran(tama!).Iyan nag mga karakter na hindi mawawala kapag
pinag-uusapan ang PAG-IBIG.
“LOVE IS NOT A WAITING GAME”… hindi dapat
kayo naghihintayan dahil kung mahal niyo ang isa’t isa, gumawa kayo ng paraan
para itadhana kayo ni KUPIDO para sa isa’t isa. Kumwari ka pa na wala kang
nararamdaman sa kanya…sa bandang huli, bibigay ka rin pala!...Pero bago ka pumasok
sa isang relasyon…isipin mo muna 100
times bago mo pasukin ang isang bagay na wala namang kasiguraduhan kung
hanggang kailan. Tinatamaan ka ba? Umamin ka na! Alam kong minsan ka ring
umibig at minsan karing nasaktan. Pero bilib naman ako sa’yo eh… kasi
nalagpasan mo ang lahat ng iyon…”HINDI SAPAT NA MAHAL MO LANG ANG ISANG
TAO.DAPAT PATUNAYAN MO. ”—ito ang isang bagay na pinaniniwalaan pero hindi
naman pinaninindigan. “Porque crush mo siya mahal mo na siya? Porque tinulungan
ka niya sa assignment mo mahal mo na siya? Porque nabunot ka niya noong
Christmas Party mahal mo na siya?”...SIGURADO KA BA? Weh, ‘di nga?
Sa sandaling ito ay gusto kong sagutin mo
ang mga tanong na ito:
(note:
hindi marunong magmahal at masaktan ang taong hindi naapektohan kahit isa man
lang sa mga katanungan …)
1.
Sigurado ka bang mahal mo siya?O mauuwi din sa wala ang lahat dahil nagpakatanga ka?
2.
Mahal mo ba siya dahil kailangan mo siya? O Kailangan mo siya dahil mahal
mo siya…o baka naman feeling mo mahal mo siya dahil lagi kang inaasar ng mga
kaibigan mo sa kanya?
3.
Nagpakatotoo ka na ba sa sarili mo? O nagbubulag-bulagan ka pa rin
hanggang ngayon dahil akala mo siya na… Hindi mo na nga ba iniisip ang
kapakanan ng ibang tao dahil nakapukaw ang atensyon mo sa taong di ka sigurado
kung mahal mo?
4.
Sa edad mong iyan sigurado ka bang siya na?O sinusubukan mo lang para
maranasan kung paano ang mararamdaman mo kapag ikaw ay nagmahal?Hindi mo ba
inakalang maaari ka rin namang masaktan?
5.
Handa ka ba sa mga problema at pagsubok na haharapin mo sa pinasukan mong iyan?O
hanggang ngayon ay naguguluhan ka pa rin kung mahal mo talaga siya?
6.
Nakailang relasyon ka na? Hindi ka pa ba natatauhan? O sadyang ginagawa mo
nalang laruan ang pag-iibigan?
7.
May nagmamahal ba sa’yo?O palagay mo ay wala kaya naghahanap ka ng taong
makakapiling mo ng panandalian? Hindi ka pa ba kuntento na magkaibigan lang
kayo? O sadyang gusto mo siyang mapa-sa’yo dahil siya ang kaligayahan
mo…pansamantala?
8.
Hindi mo ba naisip na sa edad mong iyan ay mas kailangan mong unahin ang
ibang bagay kaysa sa pag-ibig dahil hindi naman tumitigil ang pagtukso ni
Kupido ?
9.
Inspirasyon mo nga ba siya? O baka naman atensyon lang ang kailangan mo sa
kanya?
10.
Hindi mo nga ba kaya na iwanan ka niya? O natatakot ka lang na masaktan
kapag dumating na ang araw na iyon?
Love nga naman… ginagawa nalang laruan ng ibang
nag-iibigan.Laging may pinag-aawayan(nonsense lang naman ang reason), may
tampuhan(kumwari lang naman para maglambingan), may nakikipaghiwalay(pagkatapos
makikipagbalikan…ano yon?back to normal agad??pbb teens!??), may naiiwan(kasi
naman tanga-tangahan), may nagsusumbatan(tapos magsosorry …ano ba ANG SORRY?
Isa ba itong banal na kasabihan na laging dapat paniwalaan? Pagkatapos ka
niyang sumbatan nakuha mo pa siyang pagbigyan?!pbb teens??!!KATANGAHAN!!)
Para sa mga matitibay ang relasyon, ipagpatuloy lang sana ang
bagay na inumpisahan, at sa mga iniwanan, normal lang ang umiyak…iyan ang
pinakamagandang paraan para mawala ang sakit ng loob, pagkatapos, “START A NEW
DAY WITH A SMILE!” Sino ba siya para iyakan mo? Ano bang karapatan niya para
saktan ang puso mo? Just stay strong… Darating din ang tamang panahon na mawala
ang sakit na loob na nararamdaman mo… ilabas mo ang saloobin mo at isipin kung
anong aral ang natutunan mo sa pagpapakatanga mo…tandaan—“LOVE makes you crazy
for no reason, but it makes you cry to teach you a lesson J”.I
hope you learned after reading this text J!
No comments:
Post a Comment