Thursday, January 10, 2013

B E S T F R I E N D VS. K A R E L A S Y O N


        B E S T F R I E N D   VS.  K A R E L A S Y O N


Mahirap maipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong mamili sa dalawa kung sino ang mas matimbang dyan sa puso mo. Hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo. Hindi mo alam kung sinong papanigan mo.
May mga oras na napapaisip ka kung ano ang gagawin mo. Kapag pinili mo ang isa sa kanila , masasaktan ang isa.Kapag wala kang pinili, masasaktan parin sila . Ilagay nalang natin sa sitwasyon ng mag best friend at girlfriend/boyfriend. Hindi natin maiiwasan na mahulog ang loob sa taong lagi nating kasama. Yung tipong ikaw ang tinatakbuhan niya sa tuwing may problema. Yung tipong parang kayo nalang dalawa ang tao sa mundo. To be spcecific—ang bestfriend mo. Hindi ba’t siya ang nasasabihan mo ng mga sikreto mo? Hindi ba’t siya ang laging nakakaintindi sa’yo? Hanggang sa nahulog na ang loob mo sa kanya. Ang problema, kung kailan naman mayroon ka nang iba at saka ka naman nahulog sa kanya. Naiipit ka sa sitwasyong hindi mo naman inakalang mangyayari. Hindi naman natin kasi maiiwasan iyon .
Sino nga ba ang pipiliin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon?Ang bestfriend mo na laging nandyan, na lagi mong karamay, na lagi mong kasama, na laging nagpapasaya sa’yo, na laging nagtutulungan, na naging totoo sa’yo? Oh ang karelasyon mo na dumating sa buhay mo, na minahal ka ng totoo, na naging tapat sa’yo, na naging inspirasyon mo?—mahirap! SOBRANG HIRAP!Parang sasabog ka na dahil hindi mo alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin mo. Magulo! Nakakabahala! Minsan dumadating pa sa puntong pinag aaway mo ang isip at puso mo. Sino nga ba ang mas matimbang sa’yo?

Kung ako ang tatanungin ay maguguluhan din ako. Mahirap mag desisyon.Ito na siguro ang pinakamahirap na pagsubok sa pag-ibig—ang maipit sa dalawang taong pinakamamahal mo at dumating sa puntong kailangan mong mamili sa dalawa. Kailangan bang isakripisyo ang isa para sa isa?
Ilagay nalang naitn sa ibang sitwasyon. Kung nangangailangan ng blood donor ang bestfriend mo at ang gf/bf mo dahil sa malubhang karamdaman, nagkataon namang blood type O ka na isang universal blood type. Sa loob ng 5 minuto ay may papanaw na sa kanila kung hindi nabigyan ng dugo. Sino ang pipiliin mong mabuhay? Si bestfriend ba o si gf/bf?

            Kung seryoso akong sasagot, hhhhhhhhhmmmm… mahirap parin sumagot. Pero isa lang ang masisiguro ko. Kahit kunin pa ng mga doctor ang lahat ng dugo ko sa katawan para lang maisalba ang buhay nila ay gagawin ko, dahil ganon ko sila kamahal. Pero kung isa lang ang pipiliin, wala sanang magagalit sa aking kasagutan dahil si bestfriend ang pipiliin ko dahil:
1.        Ang bestfriend ko ay matagal ko nang kasama, matagal ko nang karamay, matagal ko nang pinagtatanggol, matagal na matagal ko nang kasama na dumating na sa puntong hindi ko na gugustuhin ang mawala siya.
2.       Naipit ako sa sitwasyon, kaya hindi ko alam kung kanino ako mag-aalala. Pag ang karelasyon ang nagsakripisyo, natural ang masaktan ako, pero ilang buwan lang ang makalipas ay matatanggap ko na at patuloy ko parin siyang mamahalin.Pero si bestfriend, sa oras na hindi ko na siya makasama, parang kulang na ako dahil wala siya.Habang buhay kong maaalala ang lahat ng pinagsamahan namin. Habang buhay kong dadalhin sa loob ko ang bigat na nararamdaman ko kapag nawala siya. Ganon ko kamahal ang bestfriend ko.
3.       Kasama ko na si bestfriend bago ko nakilala ang karelasyon.
4.      Alam kong masasaktan si karelasyon habang binabasa niya ito ngayon pero alam kong miintindihan niya kung bakit si bestfriend ang pinili ko. Mahirap ang sitwasyon ko kung ganoon ang pangyayari kaya alam kong maiintindihan niya kung ano man ang desisyon ko.
5.       Sanay na ako na lagi kong kasama si bestfriend kaya parang wala na ring saysay ang buhay ko kung mawawala siya sa buhay ko. Siya ang una kong tinatakbuhan sa oras na may mga suliranin na hindi ko masolusyonan ng mag-isa. Siya ang naging karamay ko sa mga panahong nahihirapan na ako.

Sa puntong ito ay hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal ang aking karelasyon(kung meron man). Hindi ko sinasabi na binabalewala ko siya. ‘Ang sinasabi ko lang ay kung ano ang aking desisyon kung ako ang nasa sitwasyong iyon. Dahil ang taong tunay na nagmamahal, inuuna ang bestfriend bago ang karelasyon. Ang tunay na nagmamahal, mas matimbang ang bestfriend kaysa sa karelasyon, dahil kung hindi… hindi ka rin marunong magmahal.Alam kong mahirap intindihin , ngunit alam ko ring kaya mong intindihin dahil higit na mas matimbang ang pinagsamahan ng dalawang kilala talaga ang isa't isa kaysa sa dalawang hindi alam kung hanggang saan ang kaya nila.

3 comments:

  1. hay ..mahirap talagang mamili ..

    ReplyDelete
  2. and dami mo atang gusto? hha. just kidding.

    ReplyDelete
  3. Para sakin ang best friend mo nanjan lang yan anong oras. Paano ka makakita ng taong dadamay sayo hanggang sa pagtanda magkaroon nga buong pamilya kung plage nalang best friend ang pinili sa ganyang sitwasyon,hindi sa lahat ng panahon may taong tunay na magmamahal sayo at handa kang ipaglaban hanggang sa pag tanda mo. Kung mahal mo talga ng totoo ang karelasyon mo siya nag pipiliin mo.

    ReplyDelete