Tuesday, February 26, 2013

KAIBIGAN O KA-IBIGAN ???

PAANO NA KAYA -- BUGOY DRILON ... isang kanta kung saan relate ang maraming tao ... paano naman kasi eh uso na naman ang pagdedevelop ng friendship tapos nagiging bestfriends and then hidden feelings for each other ..mahirap naman itago pero kailangan gawin upang hindi masira ang pinagsamahan .. (yun agad ang iniisip kadalasan eh ...)


SAbi nila, kung kelan mas nagiging close kayo, mas nahuhulog ka sa kanya …Siguro totooo yun, PERO ang tanong … dapat ba? O pipigilan nalang para hindi masira ang lahat ng mga alaala ng iyong pinagsamahan …Yan ang mga bagay na umiikot sa aking isipan sa tuwing naiisip ko kung kailangan ko na bang magtapat sa isang taong hindi ko kayang mawala sa buhay ko , ..
      Sa bawat araw na kasama ko siya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang kumpleto ang araw ko sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti .Hindi ko nga lubos maisip na dumating siya sa buhay ko …Hindi ko inaakalang magiging ganito ang lahat ,..hindi ko rin inaasahang mahuhulog ako sa kanya. Mahal ko na siya …pero bakit ganon ? hindi ko alam kung itutuloy ko ba o hahayaan ko nalang na matago sa sarili ko dahil natotorpe at natatakot ako na baka mawala ang lahat-lahat dahil lamang sa nararamdaman ko. Hindi ko rin malaman kung ano nga ba ang dapat kong gawin dahil kumplikado ang sitwasyon .
      Pero sabi nga nila, kung talagang mahal mo siya …ipaglaban mo, pero kaya mo pa bang ipaglaban kung ang sitwasyon ay nagmumula sa pagtatago ng tunay na nadarama habang pinapanood mo ang bawat kilos niya nang hindi nagpapahalata upang hundi ma buko sa mga kinikimkim mong SAYA dyan sa PUSO MO…
      OO , mahirap nga di ba ..yung tipong nangangamba ka na baka dumating yung araw na kahit na magkabanggaan kayo ay balewala nalang ..
      Hindi ko na tuloy alam kung ano ang aking gagawin ,ginawa ko na ang lahat-lahat ,,pero bakit di ko pa rin magawang magtapat? … Hindi naman ako nagmamadali , pero …SANA, siya na talaga ang babaeng mamahalin ko habang buhay …Nasa kanya na ang lahat … Ang ugali, kilos, ganda at ang pag-aaruga na binibigay naming sa isa’t isa upang protektahan ang lahat ng mga pinagsamahan…
      Minsan nga gusto ko Na talagang magtapt pero kahit anong aking gawin , WALA TALAGA, yung tipongnawawalan na ako ng lakas ng loob sa tuwing makikita mo na siya…kaya siguro mas mabuting ilihm ko na muna … baling araw malalaman din niya…SABI NGA NILA … TRUE LOVE WAITS.



1 comment: