PAGHIHINTAY SA TAONG MINAMAHAL…
Pintig ng puso … isang bagay na hindi natin
mapipigilan … isang bagay na hindi mo kayang ititgil sa anumang nararamdaman
…kusa itong napapagod, kusa itong nasasaktan. Kusa itong titigil kapag hindi na
nakakayanan ang nararamdaman …
Ganyan din sa pag ibig … hindi natin
kailangang piliting iparamdam sa sarili natin na tayo ay nagpapakatanga … hindi
natin kailangang iparamdam sa sarili natin na tayo ay napag iwanan na ,,,
Pero …minsan talaga , kailangan muna
nating maramdaman bago natin malaman diba … Ewan ko ba kung ano na naman ang
sumagi sa isip ko at nagsusulat na naman ako …
…. Pero ano nga ba ang punto ko dito sa
akdang ito ?? ..
Hay .. talaga nga naman oh , MAY
INIISIP NA NAMAN KASI Ako … Hindi naman ako EMO ..ganito lang talaga ako .
Ganunpaman ,pag usapan nalang natin ang
punto ko ngayon …
…Gaano katotoo ang quote na yon ..
Meaningless pa rin ba kung ang
paghihintay mo say napunta na sawala ?
Meaningless pa rin ba kung napagod ka
na kakahintay sa taong alam mong malabong mapunta sa’yo ?
Meaningless pa rin ba kung nabulag na
any iyong mga mata kakatitig sa orasang tila ang tagal umikot …
Oh sadyang sumusuko ka lang talaga?!!
Iyan lang naman kas ang nakikita kong
reason kung bakit hindi natin kayang maghintay ng napakatagal na panahon di ba?
Pero ganunpaman , hindi ibig sabihin na
sumusuko ka na dahil hindi mo na siya mahal ..minsan kasi , ito lang ang paraan
upang makamtan ninyong pareho ang
kaligayahan …
Pero , hindi na nga ba dapat ipaglaban
… tutal naman eh nakaya mo ang paghihintay ,,, depende na siguro sa sitwasyon
yun… May mga tao kasing handa talagang maghintay at ipaglaban ang taong mahal
nila …may mga tao rin namang tinatanggap nalang ang realidad na hindi talaga
sila para sa isa’t isa…
Sa sampung taong naghihintay , 3 nalang
siguro ang natitirang matatag … tapos ..yung iba ..tinanggap nalang na talunan
sila …
Pero mayroon naman tayong kanya kanyang
perspektibo pagdating sa mga bagay na yan …
Minsan kasi ..kailangan mo nang bitawan
ang iyong ipinaglaalaban para hindi ka nalang patuloy na nasasaktan …
Minsan naman , kailangan mo talagang
ipaglaban para patunayan na kahit nasasaktan ka na ..siya parin ang nilalaman
ng iyong puso’t isipan …
Ganyan naman talaga eh …
KUNG HANDA KANG MAGHINTAY…
Kailangan mong maging matatag …dahil
walang sinumang makakaalam kung kailan …oh kung hanggang saan ang kaya mong
ipaglaban …
Pero ayos lang yan , ikaw pa rin ang
may hawak ng iyong kinabukasan ,ikaw pa rin ang nakakaalam kung sino ang gusto
mong makasama habangbuhay … KUNG palagay mo ay siya na ,,siguraduhin mo
muna,,,bago ka maghintay…at kapag sigurado ka na …maging matatag ka sa
paghihintay at huwag kang susuko…dahil lahat ng bagay na hinihntay ng
napakatagal ay higit na nakakapagpasaya ng iyong kalooban kapag iyo nang
nakamtan …
Hay !! GO lang ng go!! Wag kang susuko
…inumpisahan mo na eh ,,kaya panghawakan mo na !
Pero paano naman kung ang hinihintay mo
ay ang taong pilit kang kinakalimutan … Ibang isaan na yan …
Patunayan mo ang sarili mo sa kanya …ipaglaban mo
hanggang kaya mo pa ..ngunit kung binabalewala niya …wag ka namang magpakatanga
..tigilan mo na, baka hindi talaga kayoang para sa isa’t isa ..malay mo ,,pag
handa ka nang kumawala …dumating naman ang totoong magpapaligaya sa’yo … ito ay
isang pagsubok lamang ng PAGHIHINTAY …
HANDA KA NAMAN BA???
**UPDATED COMMENTS via text message / E-mail**
*Jericho(Bulacan)- Paano po kung ang
taong hinihintay mo ay ang bestfriend mo ?
REPLY>>>
Inlove with your bestfriend ? isang napakahirap
na sitwasyon , isangsitwasyon kung saan sigurado akong dii mo masabi-sabi dahil
natatakot kang mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan …natatakot kang sabihin
dahil baka pumusta ka sa isang sugal na maaari mong ikatalo at ikatalo ng
inyong pagkakaibigan. At dahil bestfriend mo nga sya , natural lang ang mahulog
ka sa kanya … ngunit ang mahirap na
parte dito ay ang paghihintay …Hindi mo na nga kayang sabihin , hindi pa nya
maramdaman …parang isang napakalabong sitwasyon sa pagitan ng TORPE t MANHID
…ngunit magdasal ka lamang at huwag sumuko sa anumang pagdadaanan mo .
Mahirap ang sitwasyon mo … ngunit ang tanong … handa mo bang isugal ang
inyong pagkakaibigan at palitan ng inaasam mong pag-ibig ? ..Kung handa ka
…kailangan mong iparamdam sa kanya …ngunit payo ko lamang ,,,,, madali ang umibig sa kanya ngunit mahirap ang
magparamdam ,,,kaya dapat hindi ka mawalan ng pag-asa! Kaya mo yan bro! J may tiwala ako sa’yo ..i will wait
for that special day
of yours to come J GOODLUCK! DON’T LOSE HOPE! …
*Shela(Quezon City)- Naghintay naman po ako , kaso nawalan na
ako ng pag-asa …at ngayong mayroon na
akong iba, feeling ko siya pa rin talaga …Ano pong gagawin ko ..
REPLY>> bigyan mo muna ng chance ang relationship nyo
ng bf mo ngayon …try to put your focus on your relationship…at kung hindi
talaga effective, alamin mo muna sa sarili mo kung siya ba talaga ang hinahanap
mo ,, alamin mo muna kung siya talaga ang tinitibok ng iyong puso …tandaan mo
,isa lang ang ating puso … hindi mo naman siguro sasagutin yang bf mo kung
hindi ka nagbigay ng motibo para mahalin ka nya di ba … alam kong mahal mo ang
bf mo ngayon ..hindi mo lang mailagay ang focus mo sa kanya dahil di ka pa nakakapag
move on sa taong hinintay mo …Subukan mong palayain ang sarili mo mula sa
pagkakakulong ng taong nagpaasa sayo ..malalaman mo ang sagot sa mga katanungan
mo J ALWAYS PRAY J and keep your mind and heart mingle with each other… dapat kung anong
sinasabi ng puso ,yun din ang nasa isip mo ,para walang sitwasyong magpapagulo
sa buhay mo J
J I’m willing to help …
Matagal ko n po syang hinihintay almost 15 years sa wakas dumating n sya para pala saktan ang puso ko naging kame pero after 3 days binawi nya un kc daw po hindi pa sya ready at hndi pasya nakaka move on s ax bf nya.sapalagay mo po ba kailangan ko pa syang hintayin
ReplyDelete