Showing posts with label tagalog best love quotes. Show all posts
Showing posts with label tagalog best love quotes. Show all posts

Tuesday, February 26, 2013

Best of Tagalog Love Quotes from Experts


1: Kung mahal ka talaga niya, dapat hindi ka na niya BALIKAN. Kasi simula pa lang, dapat hindi ka na nya INIWAN.

2: Huwag kang manghinayang sa naudlot na pag-ibig, dahil kung kayo talaga darating at darating muli kayong pag tatagpuin para ituloy ang mga nasayang na sandali. — Bob Ong

3: Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. — Bob Ong

4: Pag mahal mo isang tao, mahal ka man nya o hindi, nakakaganda yan ng araw. Yung tipong gigising ka sa umaga na alam mong inlove ka. — Papa Jack

5: Pwede kang magmahal kahit sampu ng sabay sabay, yun nga lang, hindi pantay-pantay. Siguradong meron lamang. Kaya kung naguguluhan ka kung sino talagang mahal mo, tanungin mo ang sarili mo, sino nga ba talaga ang mas lamang sa puso mo. — Papa Jack

6: Hindi lahat ng minamahal dapat ipaglaban, at hindi lahat ng nagmamahal sa’yo, dapat mong saktan.

7: Wag mong panghinayangan yung taong binabalewala ka lang. Panghinayangan mo yung mga taong sana nakilala mo, kaso kinulong mo yung sarili mo sa relasyong di na maganda.

8: Minsan, ang magagandang Love Stories, ay nag-tatapos sa pagiging MAGKAIBIGAN.

9: Hindi ko hinihiling na dumating yung MATALINONG TAO sa buhay ko. Ang tanging gusto ko lang ay yung TAONG BOBO pagdating sa PANLOLOKO.

10: Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di kita iiwan, di ako susuko. Dahil kung may 100 dahilan para iwan ka, hahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipaglaban ka.