Tuesday, February 26, 2013

Waiting for my Valentine



written by HaveYouSeenThisGirL


“Pardz, feb 14 na bukas.”

“Oo nga eh, independence day na! Hahaha!” nagtawanan kami ni PJ sa laspag na joke na ginamit ko.

Kasama ko ngayon sa canteen ang bestfriend slash kababata kong si Paul John or PJ for short, Pardz ang tawagan namin ewan ko nga ba kung paano kami nauwi sa tawagang Pardz ee.

“Wala kang kadate?”

Tinaasan ko siya ng kilay at sarcastic slash pabirong sinabi ko, “Wala ee, break na kami ng refridgerator namin.”

“Hahaha! Baliw ka talaga Pardz. Bakit wala kang kadate, wala bang nagyaya?”

“Sus parang may magyaya sa pagmumukha kong ito.”

“Oh anong problema sa mukha mo? Cute ka naman ah?”

Kung hindi ko lang siguro siya bestfriend baka kinilig na ako at napangiti pero hindi ee, napasimangot ako kasi syempre sinasabi niya lang yun kasi nga bestfriend ko siya, “Sows, palibhasa bestfriend kita kaya binobola mo ako. Pinapagaan mo lang loob ko ee.” -___-

Hindi naman kasi ako cute, maganda o kung anu pa man tipo ng babae na mapapansin ng mga lalaki. Ako yung may tomboyish style, yung laging naka-tshirt at never mong mapapasuot ng palda pwera na lang sa school uniform. Ako yung babaeng laging nakarubber shoes at mahahalikan ang sahig pag pinasuot mo ng sapatos na may heels. At ponytail girl ako, simpleng simple lang ang pagmumukha ko na walang magtatangkang pumansin.

Hindi naman problema sakin na hindi ako kagandahan o anupaman, ang tanging hiling ko lang na sa kabila ng sobrang kasimplehan ko ay mapansin ako ng kaisa isahang taong gusto ko… pero sa tingin ko malabo yun.

Yung tao kasing gusto ko ay gwapo, varsity player ng campus, matalino at higit sa lahat, maraming nagkaka-crush ditong mga babae mapa-ano mang division. In short maraming magagandang babaeng nakapaligid palagi sa kanya kaya ang tomboying tulad ko ay hindi niya matutuunan ng pansin kelanman.

Pero okay lang, kuntento na rin naman akong mapunta sa tabi niya bilang bestfriend niya eh.

Yup, ang tinutukoy ko ay si PJ. Inlove ako sa bestfriend ko, how cliché right? Well, ano pa ba magagawa ko, kahit ilang beses na akong nakapanuod ng mga palabas sa tv o nakabasa sa mga fiction stories ng tungkol sa hirap na dinadanas pag naiinlove sa bestfriend ay sa huli ay nainlove pa rin ako sa bestfriend ko. Siguro isa lang din ako dun sa mga hopeless romantic na umaasang baka sakaling makaalis ako sa friend zone na ito. Haaay.

“Huy! Natulala ka nanaman diyan Pardz!” nabalik lang ang thoughts ko sa lupang ibabaw ng hampasin ako ng mahina ni PJ sa may likod ko.

“H-ha? Ah wala,” ano ba yan lutang nanaman ang isip ko -__- Ini-switch ko na lang yung usapan sa kanya para hindi ako mapahiya sa pagkatulala ko kanina, ”Ikaw ba pardz, ano balak mo bukas sa valentines?”

“Hmm… I want to date someone.”

“Ayeeeeeeeeeeee!!! Dume-date na si bestfriend, dalaga na siya bilog na utot! Bwahaha!”

“Baliw!!!”

Inaasar ko siya para matakpan yung selos na nararamdaman ko. May ide-date daw siya… Haay. Sino naman kaya? For sure maganda yung kadate niya, baka yung isa dun sa mga cheerleader ng school na sumali din sa school pageant last year… balita ko kasi may crush yun kay PJ at madalas nagkakatext silang dalwa. Haay. Ang gaganda naman kasi ng mga nali-link sa kanya, nanliliit tuloy ako.

“Ahaha! Joke lang pardz, oh ano ba balak mo sa date na yan? Paano ba ang gagawin mo?”

“Actually pardz, wala akong idea. Nahihirapan nga akong mag-isip ee, hindi ko alam kung ano ba ang gusto ng isang babae na gagawin ng isang lalaki para sa kanya sa araw ng mga puso. Haay. Pardz, pwede magpatulong sayo?”

“Ha? Paanong patulong?”

“Kunwari ikaw yung special girl ko tomorrow.”

“Ehhhhhhhhhh? Joke ka ba! Kadiri lang ha! Eeew! Not in my dreams!” sabay hampas ko ng pabiro sa kanya… kunwari nandidiri ako sa idea pero ang tunay niyan ay kinikilig ako ng sobra. Sana nga ako na lang diba? Kaso “kunwari” nga lang daw eh. >__>

“Ang arte nito! Kung maka-yuck ka naman pardz eh! Kunwari nga lang!”

“Psh. Osige na nga,” pagiinarte ko pero kinikilig talaga ako, nagpipigil lang ako, “Oh kunwari ako nga, anong gagawin ko?”

“Kung bibigyan ba kita ng chocolates at flowers, kikiligin ka ba?”

“Pwede na din.”

“Anong pwede na din? Ano ba namang klaseng sagot yan pardz!” naguguluhan niyang tanong.

“I mean… yeah, sweet yung chocolate pero kulang sa kasweetan yung action mo. I mean kung special sayo yung girl you need to do something special for her on a special day like tomorrow diba? Eh yung chocolates and flowers, I don’t think ganun sila kaspecial since walang ka-effort effort yun… ang dali daling bumili. Sus.”

“Eh anong gagawin ko?”

“Hmm… kung ako siguro yung special girl na yun, kikiligin ako kung bibigyan mo ako ng mga rosas… kahit wag na yung chocolates, patatabain mo lang ako eh. Tapos mas nakakakilig din kung pagkatapos ng klase, sa oras ng uwian ng lahat ay susurpresahin mo ako sa pamamagitan ng pagaalay mo sakin ng kanta sa may quadrangle with matching banners pa na nagsasabi ng mga nararamdaman mo sakin.”

Pinipigilan kong wag mapangiti habang iniisip ko yung mga eksena sa aking isipan… ang tunay niyan, hinihiling ko na sana ako na lang talaga yung special girl niya at sakin niya gawin yun pero malabo ee, may iba na ata siyang mahal.

“So ibig sabihin mo ba dyan na haranahin ko siya?”

Nginitian ko siya, ”Pardz, isa sa mga bagay na pedeng gawin ng lalaki na sobrang nakakakilig ay haranahin ang isang babae ng buong puso niya. Trust me, walang babae ang hindi kikiligin kung saka sakali.”

“Wow… nice idea pardz kaso…” napakamot siya ng ulo niya, “Sintunado ako. HAHAHAHA!”

“Problema mo na yan pardz! Sayawan mo na lang ng “Sorry Sorry” ng superjuniors!”

“Mag-isa ka!!!”

“Behlat! Goodluck na lang sayo bukas! Hahahaha!”

Nagbuntong hininga siya, “Haay, goodluck na lang talaga. Pero balik tayo sayo pardz, di nga seryoso ka wala kang kadate?”

“Walaaaaaaaaaaaa.”

“Ako na lang, gusto mo?”

Kamuntik ng tumalon yung puso ko sa kilig pero syempre pinigilan ko sarili ko. -___-

“Che. Inaasar mo lang ako ee. May special girl ka pang ide-date tomorrow, remember?”

“Eh…” napakamot ulit siya ng ulo, ”Parang ayaw ko na ee, magba-back out na lang siguro ako… baka kasi ma-reject lang ako.”

“Nyeee! You’re so gay pardz!” hinampas ko siya sa may balikat niya, “If she’s really special to you, gagawa ka ng paraan para mapalapit sa kanya. You’re the guy here pardz, you need to make a move before everything’s too late. Eh ano kung may posibilidad na ireject ka ng babaeng ito, atleast nagtry ka diba? Malay mo same rin pala nararamdaman niya sayo. Sige ka, habang nagaalinlangan ka diyan baka nakuha na siya ng iba. Magpakalalaki ka nga pardz!”

“Siguro nga tama ka pardz… haay ewan.”

Haaay. Masokistang tunay, ayan si Yvee. Ayan ako. Ang tae ko lang nuh? Ine-encourage ko pa siya dun sa babaeng gusto niya kahit may gusto ako sa kanya. Ito lang naman ang role ko bilang bestfriend niya eh, ang makita siyang masaya sa babaeng gusto niya kahit mamatay pa ako sa selos.

“Bahala na nga si batman, o sige pardz magta-time na. Balik na ako sa classroom, kita na lang tayo mamayang uwian. Sabay tayo pag-uwi?” sabay tayo niya sa upuan niya.

“Sure.”

***

Tuesday. Feb. 14.

Independence day.

Joke lang, Valentines day na nga at papasok ako ng school kung saan maraming “red” at “hearts”, kung saan maraming “roses” na tinitinda sa may labas ng school. Dadaan ako sa hallway na may mga babaeng kinikilig dahil may mga nagpadala sa kanila ng roses, chocolates, letters at may ilang nanghaharana sa kanila.

Ako? Eto nililigawan ang project ko. Bukas na kasi ang due date nito at konti na lang ay matatapos na ako.

Dumaan na ang recess at lunch pero hindi ko nakita si PJ. Siguro busy na yun dun sa special girl niya, ewan ko kung anong plano niya. Kung susundin niya ba yung sinabi ko or magi-stick pa rin siya sa simpleng roses at chocolates lang. Wala pa akong natatanggap na text sa kanya eh.

Pero siguro okay na rin itong ganto na hindi muna mage-exist ngayon sa araw na ito sa buhay ko si PJ dahil sobrang malulungkot lang ako pag binalita niya sakin yung mga bagay na ginawa niya para sa special girl niya. Baka mamatay lang ako sa selos.

Nagpaka-busy na nga lang ako sa project ko at ilang mga school works para hindi ko maisip na Valentines day ngayon. Nakaka-bitter lang ee. Bakit ba kasi hindi na lang ginawang official holiday ang Valentines day para walang pasok, atleast hindi ko nakikita yang mga PDA na mga taong iyan. Atleast hindi ako napapaligiran ng mga red and heart shape stuff. Nakakabitteeeeeer. Achuchu.

“Maam excuse me lang po may aarestuhin lang po kami,” nabigla kaming lahat kasi patapos na yung klase namin, last period na at mga 5minutes na lang ay magbe-bell na nang biglang may grupo ng mga lalaking studyante ang kumatok sa may classroom namin.

“Ha?” nagtataka yung teacher namin.

“Si Yvee Mendoza po, may ginawa po siyang malupit na krimen.”

Nanlaki naman yung mga mata ko. Ha? Anong ginawa ko? Nanahimik kaluluwa ko tapos biglang may magsasabing may ginawa akong krimen? Baliw ba sila? O__O

“Ha? Anong ginawa ni Ms. Mendoza?” nagtataka pa rin yung teacher ko, pati yung mga classmates ko nagbubulungan na.

Yung mga seatmate at kalapit ko nga sa upuan ay nililingon ako at tinatanong, ”Anong ginawa mo Yvee?”

“Aba malay ko,” nagkikibit balikat lang ako.

“Maam, nagkasala po si Yvee Mendoza sa pagnanakaw ng puso ng isang binata kaya naman po humihingi kami ng pahintulot sa inyo na maaresto na namin si Yvee Mendoza upang makulong na siya ng panghabambuhay sa piling ng binatang iyon.”

“AYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!” yun na, BOOM, nakakabingi na yung mga kaklase ko pati yung teacher ko na parang kinilig din at tinawag ako.

“Ahaha! Mga kabataan talaga, osya Yvee Mendoza arestado ka daw. Sumama ka na sa mga ito bago ka pa pwersahang dakipin.”

Medyo naguguluhan at nabibigla pa rin ako sa mga pangyayari pero sa huli nagawa ko rin ligpitin ang mga gamit ko at ilagay sa bag ko at sumunod dun sa mga lalaki sa may pintuan.

Actually kilala ko sila, yung iba kilala ko sa pangalan yung iba ay sa mukha lang. Mga varsity player sila ng school.

Habang sumusunod ako sa kanila ay panay ang tanong ko kung sino ba itong lesheng lalaking inaaresto daw ako. Ay ang korni niya ha, ninakaw ko daw puso niya? Asows, ano ako murderer at nagnanakaw ng organs ng tao? Lels, ang korni ko din. -___-

Pero di lang talaga ako maka-get over na may lalaking nagpapaaresto sakin… at sinabing ninakaw ko daw ang puso niya. That means may gusto siya sakin diba? Wow… sino kayang abnormal na lalaking panget ang taste ang nagkagusto sa isang tulad kong tomboyin ang itsura? -___-

Ayaw naman sabihin sakin ng mga lalaking ito kung sino iyon, panay ang sabi nila na “malalaman mo din”. Ampotek, pasuspense effect pa eh. -___-

Dinala lang naman nila ako sa may gitna ng quadrangle tapos iniwan dun, sabi tumayo lang daw ako dun… yikes. Nakakahiya kaya nagsisilabasan na yung mga studyante sa kani-kaniyang classroom at andito ako sa may gitna ng quadrangle at parang tuod na nakatayo.

Yung mga lalaki ay nagpunta dun sa may chapel ng school namin na nasa tapat ko, mga ilang meters ang layo sakin. Lahat sila nakapila in a row at lahat sila mga varsity players ng campus at may mga hawak silang tig-iisang red roses tapos sa dulo may isang lalaking nakatalikod na parang may hawak na gitara.

NOW PLAYING: HARANA BY PAROKYA NI EDGAR

“Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba tong mukhang gagong
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba.”

Biglang nagsimulang tumugtog yung gitara at narinig kong may kumakantang lalaki… na… umm… sintunado.

At habang kumakanta ito ay yung mga lalaking nakapila ay isa isang pumupunta sakin sa may gitna at nagaabot ng rosas.

Pagkaabot sakin ng rosas ay ngingitian lang nila ako tapos aalis na sila. Napansin ko na sa bawat rosas ay may nakapulupot na papel.

Everytime inaabutan nila ako ay sinusubukan kong tanggalin yung papel sa may rosas at binabasa ang nakasulat dun. Every rose is a word.

“Hi” ayan yung nakalagay sa first rose. Nasundan pa ito ng mga ilan at binasa ko silang lahat forming into a sentence that almost made me cry.

“YVEE”

“ALAM”

“MO”

“BA”

“NA”

“MATAGAL”

“NA”

“KITANG”

“MAHAL”

“Meron pang dalang mga rosas
Suot nama’y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma’t nakabarong
Sa awiting daig pa’ng minus one at sing-along


Puno ang langit ng bituwin
At kay lamig pa ng hangin
Sa’yong tingin ako’y nababaliw, giliw
At sa awiting kong ito
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa ‘yo…”

Habang hawak ko yung mga rosas at mga papel ay halos mapaupo ako sa may sahig habang nakatakip ng isang kamay ko ang bibig ko dahil nagpipigil ako ng saya at pagkabigla habang dire diretso ang tulo ng luha ko. Tears of joy.

Dahil di rin nagtagal nung naubos na ang mga lalaki sa unahan, yung kaisa-isahang lalaki na nakatalikod kanina ay humarap sakin.

“Hindi ba’t parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba’t ikaw ang bidang artista
At ako ang iyong leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas

Puno ang langit ng bituwin
At kay lamig pa ng hangin
Sa’yong tingin ako’y nababaliw, giliw
At sa awiting kong ito
Sana’y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa ‘yo…”

Si pardz, ginawa niya yung sinabi ko para sa special girl niya.

At hindi ko akalaing… ako pala iyon.

Buong akala ko isang magandang babae ang special girl na tinutukoy niya, akala ko yung cheerleader na nakasali sa may pageant last year… akala ko magandang babae pero… isang tomboying tulad ko lang pala…

Kung ito ay panaginip, pedeng wag muna akong magising? Pedeng pa-extend pa ng ilang hours ang tulog ko? Ang sarap kasi sa pakiramdam eh.

“Pardz…” nung matapos na ang kanta ay lumapit siya sakin at medyo nakatungo at kinakamot ang bandang batok niya, ”Pasensya ka na ah kung ang panget kong kumanta, sabi ko naman kasi sayo eh sintunado ako. Ang kulet mo.”

“Pardz naman eh,” naiiyak pa rin ako at hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya kasi hindi talaga ako makapaniwala, “Jino-joke time mo nanaman ako eh. Sasapakin kita tamo.”

“Yvee, tumatawa ba ako?” this time tinignan niya ako ng mataman sa mga mata, “Seryoso ako. Matagal na akong may gusto sayo, ewan ko kung kelan ko simulang naramdaman ito pero basta tuwing kasama kasi kita napaka-komportable ko sayo at lagi mo akong napapangiti. Pag absent ka, pag hindi kita nakakasama o nakikita ay hinahanap hanap ko ang presensya mo.”
 
“Akala ko yung cheerleader yung special girl mo… yung maganda…” pinupunasan ko na yung mga luha ko at nararamdaman ko na lang na napapa-pout ako sa mga pinagsasabi ko, “Bakit ako? Ang panget ko eh…”

“Maganda ka kaya… sa loob at labas. Yvee, maniwala ka sakin… mahal kita. Pwede bang more than friends na lang tayo?”

“AYEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE.” hindi ko na namalayan na andami na palang studyante sa paligid namin ang nananuod. Halos mamula na ako sa mga nangyayari.

Pero sa kabila ng maingay na panunukso ng mga tao sa paligid namin nangibabaw pa rin sa aking tenga ang mga sinabi niya.

“Yvee Mendoza, will you be my valentine from this day onwards?”

1 comment:

  1. After being in relationship with Wilson for seven years,he broke up with me, I did everything possible to bring him back but all was in vain, I wanted him back so much because of the love I have for him, I begged him with everything, I made promises but he refused. I explained my problem to someone online and she suggested that I should contact a spell caster that could help me cast a spell to bring him back but I am the type that don't believed in spell, I had no choice than to try it, I meant a spell caster called Dr Zuma zuk and I email him, and he told me there was no problem that everything will be okay before three days, that my ex will return to me before three days, he cast the spell and surprisingly in the second day, it was around 4pm. My ex called me, I was so surprised, I answered the call and all he said was that he was so sorry for everything that happened, that he wanted me to return to him, that he loves me so much. I was so happy and went to him, that was how we started living together happily again. Since then, I have made promise that anybody I know that have a relationship problem, I would be of help to such person by referring him or her to the only real and powerful spell caster who helped me with my own problem and who is different from all the fake ones out there. Anybody could need the help of the spell caster, his email: spiritualherbalisthealing@gmail.com or call him +2349055637784 you can email him if you need his assistance in your relationship or anything. CONTACT HIM NOW FOR SOLUTION TO ALL YOUR PROBLEMS'

    ReplyDelete