Dear Kuya Charles,
Magandang Araw po.
Ako po ay isa sa mga humahanga ng inyong mga blogs…nabasa ko po na
kayo ay nagbibigay rin ng payo sa sinumang nangangailangan ng payo…kaya po ay
hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at sumulat po sa inyo ng aking
problemang pag-ibig.
Eto po ang aking kuwento:
Nagsimula po ang lahat noong 2nd year high
school palang po ako. Magkakapitbahay po kami ng taong lihim kong
minamahal noon.Itago nyo nalang po siya sa pangalang Jordace. Mas matanda po siya sa
akin ng tatlong taon…noong grade six palang po ako ay nag-attempt napo siyang
manligaw sa akin subalit sa murang edad ko po ay wala sa isip ko ang
mga ganyang bagay. Nang magsummer ay umalis po siya papuntang Davao para doon
po ipagpatuloy ang pag-aaral ng high school.
Makalipas ng dalawang taon ay nagkita kami ulit. Dalaga
na po ako. Ewan ko po ng mabalitaan kong bumalik na pala siya ay
bigla pong akong sumaya. Sa katunayan nga po ay nagtatalon po ako sa sobrang
saya. Hindi naman po ako binigo ng panahon dahil sa unang pagkikita pa lang
namin ay nararamdaman kong mayroon parin po siyang gusto sa akin. Para po akong
dinuduyan sa labis na galak. Tinanong niya po ako kung kamusta na raw po ang
standing niya sa akin. Kung pwede na ba raw siya manligaw. Ipinakita ko po sa
kanya na hindi ko nagustuhan ang mga tanong niya sabay iwas sa kanya. Pero sa
katunayan po ay maligayang maligaya ako. Ganoon na po parati ang sagot ko sa
kanya…kapag kinausap niya ako..ay lagi ko siyang binabara, minsan ay tinataasan
pa ng boses…lagi ko siyang napapahiya sa mga taong nakapalibot sa amin…kahit
ganyan ako sa kanya ay sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil hindi ko kayang
sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Nagtiyaga siya sa kabila ng mga
malalamig na tugon ko sa kanya. Ang huling natatandaan ko bago siya hindi na
muli pang lumapit ay nang minsang nagtry siya makipag-usap at ganoon parin ako
sa kanya..isa lang ang tanging nasambit niya “IPOKRITA KA TALAGA, GANG”…saka umalis. Buhat noon hindi na siya
nagtangka pang mag-open ng nararamdaman niya sa akin. Hindi ko po alam pero
namimiss ko po ang mga pakiusap niya.Alam kong pong napa ka-unfair ko. Alam ko
napagod na siya at inakalang wala talaga akong gusto sa kanya. Nabalitaan ko
nalang po may iba na siyang nililigawan at nagtagal sila ng limang taon na
siyang hindi ko inakala na hindi nman pala siya ganoon na hindi marunong magstick to one sa
pakikipagrelasyon.
Napakanegative ko po sa kanya..dahil akala ko …lolokohin niya lang
ako..na hindi siya marunong magmahal ng tunay..at marami pang iba. ang labo ko
po noon…kaya po tuloy ako rin ang nasaktan.
At saka ang akin kasing palagay noon, dahil sa mga bata pa kami
baka kapag pinayagan ko siya siyang manligaw ay maghihiwalay lamang kami..sa
isip ko saka nalang kapag nasa kolehiyo na ako. Siya po kasi ang pinangarap
kong maging una ko at huli ko pong mamahalin (corny po heheeh pero totoo po)…
Hanggang po sa nagkolehiyo na po ako. Hinintay ko po siya hanggang
nasa 3rd year college nap o ako kaya lang po parang ang hirap
maghintay kung hindi niya naman alam na may naghihintay sa kanya. Ako lang po
kasi ang nakakaalam eh..mga barkada ko po, mga kuya ko, tanging siya lamang po
ang walang alam, pati rin nga po mga magulang ko ay sinabihan ko narin. Ang
hirap po ng nafefeel ko noon parang sasabog na ang dibdib ko sa inis at
paghihinayang. Sa loob po ng anim na taon kong paghihintay ang dami ko pong
naging karanasan, naroon po ang malaman kong naging GF niya ang friend ko back
in highschool, nag-iiyak po ako ng 4 na araw, tapos sumunod po ay nalaman ko na
ikinasal na ang friend kong yun na sa akala ko naman ay siya ang
napangasawa..umiyak nman po ako… hindi po ba para na akong baliw?..kasi nang
mga time na yun ay hindi na kami magkapitbahay..lumipat po kasi kami..kaya
hindi ko na siya nakikita…tapos wala pa nman po akong cellphone noon.
Parati po ako naghahanap ng info tungkol sa kanya..nabalitaan ko
rin na nakapagtapos na siya ng kanyang kurso..kaya nawalan narin ako ng pag-asa
na magkakaroon ulit ako ng pagkakataong makita ko siya. ..
Nang minsang dumating ang problema sa pamilya namin nang dahil sa
kuya ko po..parang ako po ang na-apektuhan..wala po akong
mapagsabihan..siyempre narun po mga kaibigan ko..pero nung time na yun ay
hinahanap ko ang taong dadamayan ako sa lahat2x..nakita ko sa mga kaibigan ko
lahat sila may mga kasintahan na ako nalang ang wala..kaya ng minsang may
manligaw sa akin ay sinagot ko nalang…simula noon binitiwan ko na ang
paghihintay kay JORDACE…kahit pa lagi ko parin siya naiisip pero winawaksi ko
dahil alam ko ako lang ang TANGA…at masasaktan lang ako sa paghihintay na ako
lang naman ang nakakaalam..ang hirap po talaga…
Hindi po naging maganda ang naging relasyon naming ng una kong
kasintahan…dahil po siguro wala pa akong alam at karanasan sa pakikipagrelasyon
ay parang nasasakal ko daw siya..grabe ang sakit na nadama ko noon..iyak po ako
ng iyak…ibinunton ko ang galit k okay JORDACE.. kahit hindi naman dapat…feeling
ko po hindi ako deserving na paiiyakin lang ng lalaki..ang sakit sakit po talaga..nasabi
ko sa sarili ko ganito pala kapag nagmahal. ….
Dahil narin sa kinakapos na ang magulang ko sa pagpapadala ng
allowance ko..nagdesisyon po akong magworking student sa isa sa aking
professor..nagtrabaho po ako sa kanya bilang all around sa lahat ng gawaing
bahay..pati narin ang paglilinis ng Internet Shop niya..kinaya ko po ang lahat
para malimutan lahat ng hinanakit ko sa mundo…
Hanggang sa isang araw humingi ako ng favor sa attendant ng shop
dahil tapos narin ako sa aking trabaho ay makikigamit muna ako ng isang unit
para malibang naman ako..binuksan ko po ang YM ko at nagsimulang magchat2x sa
kung sinu-sino..may nakilala po ako..doon sa username niya ay STAR ang pangalan..nagkaroon
kami saglit ng salitan ng mga opinion..nalaman niya na working student ako at
ganun din siya..bigla po siya nagka-interes sa akin at hiningi ang mobile #
ko…eh siyempre po binigay ko ..pero ng binigay niya ang mobile # niya ay hindi
ko pinansin..kasi sa isip ko sino ba namang timang ang maniniwala na magkikita
kami eh ang layu-layo po ng lugar namin sa sa isat-isa…sa GENSAN po ako at siya
ay sa ZAMBOANGA po…imposible po talaga..
Doon po nagsimula ang pagkakaibigan naming ni STAR..hanggang po sa
naging kasintahan ko na siya hanggang ngayon..limang taon na po kaming magkarelasyon..kung
iisipin nga po ay napakacute ng story naming dalawa..every year po ay umuuwi
siya amin para ako ay bisitahin..nang makapagtapos po siya noong 2011 ay
nagsama po kami ng mahigit isang taon..at wala naman pong problema.. kasal na
lang po talaga ang kulang sa amin…noong JULY 2012 umalis po si STAR papuntang
CEBU para mag-apprentice dahil gusto niyang magtrabaho sa mga cruise ship sa
labas ng bansa. Ako naman po ay andito na sa Manila para makipagsapalaran din
dahil may plano kami na kapag stable na ako ay magtutulungan kami sa mga
papeles niya para abroad. Okay napo ang lahat..excited na ako sa magiging
kalabasan ng mga plano naming. Hanggang sa isang iglap.
Kung saan po gusto ko nang lumagay sa tahimik ay siya naman pong
dating ng isang taong matagal ko ng pinapangarap…sa tagal po ng panahon mahigit
10 years kaming hindi nagkaroon ng communication, nagkaroon kamin ulit dahil sa
FB. Gusto ko po sanang huwag nalang pansinin..kaya lang dinala po ako ng mga
kamay ko na magreply sa kanya..sa tanang buhay ko po ngayon lang po ulit ako
nakaranas na ang saya-saya ko…talagang walang pagsidlan ang kaligayahan
ko,…tinanong niya po ako kung dalaga parin po ako..siyempre sinabi ko po ang
totoo na may kasintahan na ako at malapit ng magpakasal..binalik niya ang mga
kahapon na pinanggagawa ko sa kanya..ang dami niyang tanong sa akin..na pilit
ko namang sinasagot kahit punong-puno ako ng panghihinayang dahil alam kong
mutual ang nararamdaman naming sa isat-isa..
Sa limang taon ng pagsasama naming ni STAR hindi ko alam pero
minsan ay tinitigan ko siya ng matagal…dahil pilit kong inaarok bakit parang
may kulang akong nararamdaman…nang minsan inalok niya na akong magpakasal ay
para ayoko..kahit pa wala namn akong iniisip na iba noon..na para bang may
hinihintay po ako..pero aaminin ko po lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko
dahil salawahan ang isip ko dahil lagi ko pong napapanaginipan si JORDACE..ewan
ko po ..ang labo ng puso ko…
Hirap na hirap po ako ngayon..ano po ang gagawin ko…hindi po ba
kalabisan na sabihin ko ang sekreto ko noon kay JORDACE o baka naman po umaasa
parin ako ng mabigyan ng pagkakataon ang feelings naming sa isat-isa ni
JORDACE…
Ang hirap po magdecision dahil alam ko po MAHAL NA MAHAL ako ni
STAR ang dami niya po sinacrifice para sa akin, mabait po siya at IDEAL po siya
maging ASAWA..ngayon nga po ay naguguilty na ako dahil bigla po nawala ang
dating love ko kay STAR ng ganun-ganon nalang….hindi ko po
maintindhan…hindi ko namn po sinabi kay JORDACE ang nararamdaman ko…ang alam
din niya ay KAIBIGAN lang ang turing ko sa kanya..pero hanggang ngayon ay anjan
pa pala…
Ang hirap po…sana po ay matulungan nyo ako sa problema kong ito…
MORE POWER po sa inyo…!
Lubos na Gumagalang,
ACE
_______________AND HERE IS MY ADVICE ...
...Sinasabi nila na FIRST LOVE NEVER DIES .. at sa aking
palagay ay naniniwala ka parin sa kasabihang iyon ...totoo naman talaga ang
quotation na iyon dahil sigurado akong walang sinumang makakalimot sa kung sino
man ang unang nagpatibok ng puso mo ... kaso ,, ang mali nga alng doon ay,
"lihim"---dito sumasablay ang maraming tao .. sa
"LIHIM",,,dahil una sa lahat... kapag nagmahal ka ng palihim ,,, ay
patuloy mong sinasaktan ang puso mo kahit nasasakal kana sa mga pangyayari ,,at
isa pa ...normal lang ang magmahal ng lihim , pero sana ay dumating yung araw
na handa mo nang sabihin iyon ,,,ngunit siyempre, sa bawat aksyon ay may
nakaakibat na reaksyon ...at sa bawat reaksyon , may nababagabag na relasyon
..alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin ... ,,,
Ikaw na rin ang nagsabi na mahal ka ni STAR at sobra ang
pagmamahal niya sayo ..at sa'yo pa mismo nanggaling ang salitang IDEAL siyang
maging asawa mo ... hindi ba't sapat na dahilan na yon para pagtuonan mo na
nang pansin ang magiging kinabukasan mo sa kanya ? ... Dahil sa isang
malawakang pag-iisip ... siya ang tumugon ng lahat ng iyong pangangailangan sa
pagibig noong sumuko ka sa paghihintay kay Jordace ...Ikaw mismo ang
sumuko kaya hindi mo na dapat ibalik pa ang nakaraan sa pamamagitan ng
pagbabalik tanaw sa mga bagay na hindi naman natin dapat pang balikan ...Ngunit
ang desisyon ay nasa iyo ... "Sino ba ang mas pipiliin mo ? ..ang taong
minahal mo ng palihim pero nawala rin sa isip mo ? o ang taong pumuna ng
pag-ibig na nawala sayo simula ng nalaman mong magnda ang kanyang pakikitungo
sayo ?"--sino ba sa palagay mo ang nangingibabaw sa puso mo ?--- ang taong
matagal mo nang pinapangarap? o ang taong nariyan na sa tabi mo pero di mo na
napapansin simula ng magkatagpo kayong mul ? --- Wala ako sa lugar upang
sumagot sa mga katanungang iyan ..ikaw lang ang makakapagsagot niyan ...at ang
iyong desisyon ,, ay rerespetuhin din naman ...---ito lang ang masasabi
ko sa'yo ..."kung patuloy kang nagpapaapekto sa kung ano man ang nakaraan
mo, hindi na iyon magbabago kahit na nariyan kana sa kinaroroonan mo ,,ngunit
kung matututo kang tumanggap na hindi talaga kaayo ang para sa isa't isa
...malalaman mo sa sarili mo ___ ANG SARAP MABUHAY KAPAG KAPILING MO ANG NASA
TABI MO NGAYON "--- :) i hope it helps ...you can send your reply to this
advice with my gmail account ! :) GOD BLESS !! MALALAGPASAN MO RIN YAN :)...
God bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com
ReplyDeleteWhatsapp:- +2348123446245
he can help you out of that you situation.