Thursday, January 10, 2013

B E S T F R I E N D VS. K A R E L A S Y O N


        B E S T F R I E N D   VS.  K A R E L A S Y O N


Mahirap maipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan mong mamili sa dalawa kung sino ang mas matimbang dyan sa puso mo. Hindi mo alam kung sino ang pipiliin mo. Hindi mo alam kung sinong papanigan mo.
May mga oras na napapaisip ka kung ano ang gagawin mo. Kapag pinili mo ang isa sa kanila , masasaktan ang isa.Kapag wala kang pinili, masasaktan parin sila . Ilagay nalang natin sa sitwasyon ng mag best friend at girlfriend/boyfriend. Hindi natin maiiwasan na mahulog ang loob sa taong lagi nating kasama. Yung tipong ikaw ang tinatakbuhan niya sa tuwing may problema. Yung tipong parang kayo nalang dalawa ang tao sa mundo. To be spcecific—ang bestfriend mo. Hindi ba’t siya ang nasasabihan mo ng mga sikreto mo? Hindi ba’t siya ang laging nakakaintindi sa’yo? Hanggang sa nahulog na ang loob mo sa kanya. Ang problema, kung kailan naman mayroon ka nang iba at saka ka naman nahulog sa kanya. Naiipit ka sa sitwasyong hindi mo naman inakalang mangyayari. Hindi naman natin kasi maiiwasan iyon .
Sino nga ba ang pipiliin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon na iyon?Ang bestfriend mo na laging nandyan, na lagi mong karamay, na lagi mong kasama, na laging nagpapasaya sa’yo, na laging nagtutulungan, na naging totoo sa’yo? Oh ang karelasyon mo na dumating sa buhay mo, na minahal ka ng totoo, na naging tapat sa’yo, na naging inspirasyon mo?—mahirap! SOBRANG HIRAP!Parang sasabog ka na dahil hindi mo alam kung anong susunod na hakbang ang gagawin mo. Magulo! Nakakabahala! Minsan dumadating pa sa puntong pinag aaway mo ang isip at puso mo. Sino nga ba ang mas matimbang sa’yo?

Kung ako ang tatanungin ay maguguluhan din ako. Mahirap mag desisyon.Ito na siguro ang pinakamahirap na pagsubok sa pag-ibig—ang maipit sa dalawang taong pinakamamahal mo at dumating sa puntong kailangan mong mamili sa dalawa. Kailangan bang isakripisyo ang isa para sa isa?
Ilagay nalang naitn sa ibang sitwasyon. Kung nangangailangan ng blood donor ang bestfriend mo at ang gf/bf mo dahil sa malubhang karamdaman, nagkataon namang blood type O ka na isang universal blood type. Sa loob ng 5 minuto ay may papanaw na sa kanila kung hindi nabigyan ng dugo. Sino ang pipiliin mong mabuhay? Si bestfriend ba o si gf/bf?

            Kung seryoso akong sasagot, hhhhhhhhhmmmm… mahirap parin sumagot. Pero isa lang ang masisiguro ko. Kahit kunin pa ng mga doctor ang lahat ng dugo ko sa katawan para lang maisalba ang buhay nila ay gagawin ko, dahil ganon ko sila kamahal. Pero kung isa lang ang pipiliin, wala sanang magagalit sa aking kasagutan dahil si bestfriend ang pipiliin ko dahil:
1.        Ang bestfriend ko ay matagal ko nang kasama, matagal ko nang karamay, matagal ko nang pinagtatanggol, matagal na matagal ko nang kasama na dumating na sa puntong hindi ko na gugustuhin ang mawala siya.
2.       Naipit ako sa sitwasyon, kaya hindi ko alam kung kanino ako mag-aalala. Pag ang karelasyon ang nagsakripisyo, natural ang masaktan ako, pero ilang buwan lang ang makalipas ay matatanggap ko na at patuloy ko parin siyang mamahalin.Pero si bestfriend, sa oras na hindi ko na siya makasama, parang kulang na ako dahil wala siya.Habang buhay kong maaalala ang lahat ng pinagsamahan namin. Habang buhay kong dadalhin sa loob ko ang bigat na nararamdaman ko kapag nawala siya. Ganon ko kamahal ang bestfriend ko.
3.       Kasama ko na si bestfriend bago ko nakilala ang karelasyon.
4.      Alam kong masasaktan si karelasyon habang binabasa niya ito ngayon pero alam kong miintindihan niya kung bakit si bestfriend ang pinili ko. Mahirap ang sitwasyon ko kung ganoon ang pangyayari kaya alam kong maiintindihan niya kung ano man ang desisyon ko.
5.       Sanay na ako na lagi kong kasama si bestfriend kaya parang wala na ring saysay ang buhay ko kung mawawala siya sa buhay ko. Siya ang una kong tinatakbuhan sa oras na may mga suliranin na hindi ko masolusyonan ng mag-isa. Siya ang naging karamay ko sa mga panahong nahihirapan na ako.

Sa puntong ito ay hindi ko naman sinasabi na hindi ko mahal ang aking karelasyon(kung meron man). Hindi ko sinasabi na binabalewala ko siya. ‘Ang sinasabi ko lang ay kung ano ang aking desisyon kung ako ang nasa sitwasyong iyon. Dahil ang taong tunay na nagmamahal, inuuna ang bestfriend bago ang karelasyon. Ang tunay na nagmamahal, mas matimbang ang bestfriend kaysa sa karelasyon, dahil kung hindi… hindi ka rin marunong magmahal.Alam kong mahirap intindihin , ngunit alam ko ring kaya mong intindihin dahil higit na mas matimbang ang pinagsamahan ng dalawang kilala talaga ang isa't isa kaysa sa dalawang hindi alam kung hanggang saan ang kaya nila.

"Paghihintay sa Taong Minamahal"


PAGHIHINTAY SA  TAONG MINAMAHAL…







Pintig ng puso … isang bagay na hindi natin mapipigilan … isang bagay na hindi mo kayang ititgil sa anumang nararamdaman …kusa itong napapagod, kusa itong nasasaktan. Kusa itong titigil kapag hindi na nakakayanan ang nararamdaman …
Ganyan din sa pag ibig … hindi natin kailangang piliting iparamdam sa sarili natin na tayo ay nagpapakatanga … hindi natin kailangang iparamdam sa sarili natin na tayo ay napag iwanan na ,,,
Pero …minsan talaga , kailangan muna nating maramdaman bago natin malaman diba … Ewan ko ba kung ano na naman ang sumagi sa isip ko at nagsusulat na naman ako …
…. Pero ano nga ba ang punto ko dito sa akdang ito  ?? ..
Hay .. talaga nga naman oh , MAY INIISIP NA NAMAN KASI Ako … Hindi naman ako EMO ..ganito lang talaga ako .
Ganunpaman ,pag usapan nalang natin ang punto ko ngayon …
“TIME IS MEANINGLESS WHEN YOU ARE WAITING FOR THE ONE YOU LOVE”
 …Gaano katotoo ang quote na yon ..
Meaningless pa rin ba kung ang paghihintay mo say napunta na sawala ?
Meaningless pa rin ba kung napagod ka na kakahintay sa taong alam mong malabong mapunta sa’yo ?
Meaningless pa rin ba kung nabulag na any iyong mga mata kakatitig sa orasang tila ang tagal umikot …
Oh sadyang  sumusuko ka lang talaga?!!

Iyan lang naman kas ang nakikita kong reason kung bakit hindi natin kayang maghintay ng napakatagal na panahon di ba?
Pero ganunpaman , hindi ibig sabihin na sumusuko ka na dahil hindi mo na siya mahal ..minsan kasi , ito lang ang paraan upang  makamtan ninyong pareho ang kaligayahan …
Pero , hindi na nga ba dapat ipaglaban … tutal naman eh nakaya mo ang paghihintay ,,, depende na siguro sa sitwasyon yun… May mga tao kasing handa talagang maghintay at ipaglaban ang taong mahal nila …may mga tao rin namang tinatanggap nalang ang realidad na hindi talaga sila para sa isa’t isa…
Hay …!!! Bakit ganyan sa pag ibig noh? Pagdating sa paghihintay marami ang naiinip at sumusuko …
Sa sampung taong naghihintay , 3 nalang siguro ang natitirang matatag … tapos ..yung iba ..tinanggap nalang na talunan sila …
Pero mayroon naman tayong kanya kanyang perspektibo pagdating sa mga bagay na yan …
Minsan kasi ..kailangan mo nang bitawan ang iyong ipinaglaalaban para hindi ka nalang patuloy na nasasaktan …
Minsan naman , kailangan mo talagang ipaglaban para patunayan na kahit nasasaktan ka na ..siya parin ang nilalaman ng iyong puso’t isipan …
Ganyan naman talaga eh …
KUNG HANDA KANG MAGHINTAY…
Kailangan mong maging matatag …dahil walang sinumang makakaalam kung kailan …oh kung hanggang saan ang kaya mong ipaglaban …
Pero ayos lang yan , ikaw pa rin ang may hawak ng iyong kinabukasan ,ikaw pa rin ang nakakaalam kung sino ang gusto mong makasama habangbuhay … KUNG palagay mo ay siya na ,,siguraduhin mo muna,,,bago ka maghintay…at kapag sigurado ka na …maging matatag ka sa paghihintay at huwag kang susuko…dahil lahat ng bagay na hinihntay ng napakatagal ay higit na nakakapagpasaya ng iyong kalooban kapag iyo nang nakamtan …
Hay !! GO lang ng go!! Wag kang susuko …inumpisahan mo na eh ,,kaya panghawakan mo na !
Pero paano naman kung ang hinihintay mo ay ang taong pilit kang kinakalimutan … Ibang isaan na yan …
Patunayan  mo ang sarili mo sa kanya …ipaglaban mo hanggang kaya mo pa ..ngunit kung binabalewala niya …wag ka namang magpakatanga ..tigilan mo na, baka hindi talaga kayoang para sa isa’t isa ..malay mo ,,pag handa ka nang kumawala …dumating naman ang totoong magpapaligaya sa’yo … ito ay isang pagsubok lamang ng  PAGHIHINTAY … HANDA KA NAMAN BA???


**UPDATED COMMENTS  via text message / E-mail**

*Jericho(Bulacan)- Paano po kung ang taong hinihintay mo ay ang bestfriend mo ?

REPLY>>>
Inlove with your bestfriend ? isang napakahirap na sitwasyon , isangsitwasyon kung saan sigurado akong dii mo masabi-sabi dahil natatakot kang mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan …natatakot kang sabihin dahil baka pumusta ka sa isang sugal na maaari mong ikatalo at ikatalo ng inyong pagkakaibigan. At dahil bestfriend mo nga sya , natural lang ang mahulog ka sa kanya  … ngunit ang mahirap na parte dito ay ang paghihintay …Hindi mo na nga kayang sabihin , hindi pa nya maramdaman …parang isang napakalabong sitwasyon sa pagitan ng TORPE t MANHID …ngunit magdasal ka lamang at huwag sumuko sa anumang pagdadaanan mo .
   Mahirap ang sitwasyon mo … ngunit ang tanong … handa mo bang isugal ang inyong pagkakaibigan at palitan ng inaasam mong pag-ibig ? ..Kung handa ka …kailangan mong iparamdam sa kanya …ngunit payo ko lamang ,,,,,  madali ang umibig sa kanya ngunit mahirap ang magparamdam ,,,kaya dapat hindi ka mawalan ng pag-asa! Kaya mo yan bro! J may tiwala ako sa’yo ..i will wait
 for that special day of yours to come J GOODLUCK! DON’T LOSE HOPE! …

*Shela(Quezon City)- Naghintay naman po ako , kaso nawalan na ako ng pag-asa  …at ngayong mayroon na akong iba, feeling ko siya pa rin talaga …Ano pong gagawin ko ..

REPLY>> bigyan mo muna ng chance ang relationship nyo ng bf mo ngayon …try to put your focus on your relationship…at kung hindi talaga effective, alamin mo muna sa sarili mo kung siya ba talaga ang hinahanap mo ,, alamin mo muna kung siya talaga ang tinitibok ng iyong puso …tandaan mo ,isa lang ang ating puso … hindi mo naman siguro sasagutin yang bf mo kung hindi ka nagbigay ng motibo para mahalin ka nya di ba … alam kong mahal mo ang bf mo ngayon ..hindi mo lang mailagay ang focus mo sa kanya dahil di ka pa nakakapag move on sa taong hinintay mo …Subukan mong palayain ang sarili mo mula sa pagkakakulong ng taong nagpaasa sayo ..malalaman mo ang sagot sa mga katanungan mo J ALWAYS PRAY  J and keep your mind and heart mingle with each other… dapat kung anong sinasabi ng puso ,yun din ang nasa isip mo ,para walang sitwasyong magpapagulo sa buhay mo J



J I’m willing to help …


Wednesday, January 9, 2013

PAGKATAPOS NG BREAK-UP :(



KINABUKASAN PAGKATAPOS NG BREAK-UP..

Titignan mo ang cellphone mo. Wala na ang text niya. Babasahin mo ang mga huling mensahe niya sayo. Umpisa palang ng araw parang ayaw mo nang tumayo sa kinahihigaan mo. Wala nang magsasabi sayo na kumain ka na. Wala nang magagalit sayo kapag humindi ka. Ang tahimik ng paligid. Titignan mo ang picture frame mo. Kayong dalawa ang nakalagay. Hahalikan mo ang litrato niya. Hindi ka handa sa nangyari. Medyo maluluha ka. Dahil hindi mo pa talaga tanggap. Naalala mong nadala ka lang ng iyong galit. Kaya nangyari iyon. Hiniling mo na sana bumalik ang oras na tinaasan mo ang iyong pride. Hiniling mo na sana lumaban pa siya. Para hanggang ngayon kayo paring dalawa. Susubukan mong i miscall ang phone niya. Kapag nag ring ibababa mo agad. Nag paparinig ka sa GM. Pero sa kanya mo lang talaga i sesend. Hindi mo alam kung saan ka pupunta. Hindi ka makakain. Ang lungkot ng paligid. Walang sensyales na magiging masaya ka. Daig mo pa ang may hangover sa lahat ng bagay. Lahat ng Love songs na nakakalungkot. Nakakarelate ka na.

Pero kapag dumating yung time na tanggap mo na lahat ng nangyari sainyo, na hindi na muli magiging kayo.. Isang araw ipagpapasalamat mo na kahit hindi pala siya ang nakalaan sayo, atleast naging parte siya ng buhay mo. Kahit na nagkasakitan pa kayo..