Ganyan Talaga…
Masakit ang masaktan sa pag-ibig. Masakit ang iwanan ng taong mahal mo. Masakit isipin na natapos na ang alamat ng inyong pag-iibigan. Masakit sa damdamin na nabuwag na ang inyong pinagsamahan. Lahat ng iyon ay nang dahil sa pag-ibig. Nagmahal ka, minahal ka, nagkaayos kayong dalawa, pero bandang huli nasaktan ka.
Minsan,inisip mo na hindi mo na kaya…sumusuko ka…iyan ang karaniwang ginagawa ng iba. Mahirap. Parang binagsakan ng langit ang lupa.
Marami na ang nakaranas ng ganitong pangyayari, isa na ako doon. Ganyan talaga ang buhay, akala natin siya na…pero hindi pa pala…
Sa una,maayos pa ang inyong relasyon…pero unti-unting may pagbabago… Wala nang pagkakaintindihan… pati ang damdamin ay naguguluhan…Bulong ng isip ay ‘di mo siya dapat pakawalan ngunit ang puso mo …gusto na siyang bitawan…
Ganyan ang pag-ibig, nasasaktan ka na pero ipinaglalaban mo pa siya. Nahihirapan ka na pero natitiis mo para sa kanya. Nagpaparaya ka kasi gusto mo siyang maging masaya. Ang hirap ‘di ba? Hindi mo alam kung sinong tatakbuhan mo. Hindi moalam kung sinong lalapitan mo. Hindi mo alam kung anong gagawin mo…kasinaguguluhan ka sa mga pangyayari…
Ganyan ang pag-ibig, niloloko ka na pero hindi ka pa rin tumitigil, kasi mahal mo siya…pero siya, hindi na niya pinaparamdam na mahal ka niya. Natututo kang maging manhid dahil sa pag-ibig. Hindi mo siya maiwanan dahil mahal mo siya , pero siya, kaya ka niyang bitawan kapag wala na siyang nararamdaman…
Ganyan ang pag-ibig, maraming pagsubok…maraming problema na susubok kung gaano kayo katatag. Hindi mo alam kung ano ang susundin mo, kung ang puso nga ba o ang isip. May mga pagkakataon na napapaisip ka kung tama pa ba ang ginagawa mo o kailangan ng tapusin ang relasyong namamagitan sa inyo. Pag-ibig nga naman…
Ganyan ang pag-ibig, minsan kailangang may magsakripisyo para tapusin na ang namamgitan sa inyo.Minsan kailangang hanapin muna ang sarili dahil nawala ito simula ng magmahal siya. Minsan kailangan mo nang pakawalan dahil pareho kayong nahihirapan. Minsan kailangan mo nang harapin ang sitwasyon upang tapusin na ang kaguluhan.
Ganyan ang pag-ibig, may kasiyahan, may kalungkutan, may pagmamalasakit… at higit sa lahat, may PAGPAPARAYA- dahil pareho nalang kayong nasasaktan.
Ganyan ang pag-ibig, minsan nakakapagod na kaya kailangan mo nang bumitaw. Pero ganunpaman, hindi pa rin siya mawala sa iyong isipan.Masakit mang isipin nahindi na siya babalik ngunit kailangan mong maging matatag…kailangan mong MATAUHAN…
Ganyan talaga…umibig ka, minahal ka ,nasaktan ka, pinatawad mo na, pero inulit pa niya…tapos naghihingi pa ng chance, pero di mo na kaya …parte yan ng PAG-IBIG… --- ganyan talaga…
---Charles :)