Mahirap maghintay ng tamang oras, ..
Walang sinumang makatutukoy kung kailan ito. Walang sinumang
makapagsasabi kung hanggang saan hahantong ang paghihintay dahil wala rin
namang kasiguraduhan na lahat ng plano mo sa tamang oras ay gagana.
Naghihintay ka lang ng oras kung kalian mo masasabi ang
nararamdaman mo para sa kanya, kasi, ‘di mo kayang sabihin dahil mas
pinagtutuunan niya ng pansin ang ibang mga bagay.Pinakikinggan mo lang ang
pitik ng bawat Segundo dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang
iyong nararamdaman, hindi naman dahil sa torpe ka, kung’di dahil natatakot ka
sa kung anuman ang magiging reaksyon niya pag nalaman na niya ang iyong
nararamdaman para sa kanya. Mahal mo nga siya,pero ‘di mo masabi dahil buong
buhay mo kaibigan lang ang turing niya sa’yo, at natatakot ka na baka sa isang
iglap ay mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan.
MAHIRAP! SOBRANG HIRAP…
Nagtitiis ka, wala kang ibang gagawin kung’di magtiyaga at
maging kuntento sa kung anuman ang kaya lang niyang ibigay sa’yo, kahit na
walang kasiguraduhan kung balang araw ay kaya niyang maibigay sa’yo ang
pagmamahal na hinihiling mo nang patago.
Hindi mo
malalaman kung hanggang kalian ito dahil habang naghihintay ka ay may mga importanteng
bagay na nakakalimutan mo dahil sa halu-halong nararamdaman mo.Hindi mo rin
alam kung susuko ka ba sakaling ‘di niya
masuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya.
At sa iyong paghihintay, maraming pagsubok, napapaisip ka
nalang na baka “walang tamang oras ” para sa inyong dalawa, natatakot ka na
baka sa isang iglap ay lamunin ng pagkabahala ang lahat ng inyong pinagsamahan.
Nababahala ka dahil minsan, ayaw mo na itong ituloy, pero may bumubulong pa rin
sa iyong pagkatao na kakayanin mong maghintay dahil siya na talaga ang gusto
mong makasama. Nahihirapan ka dahil sa haba ng panahon ng iyong paghihintay ay
marami ng mga bagay ang iyong sinakripisyo – sinarado mo ang puso mo sa ibang
tao dahil gusto mo siya lang ang nagmamay-ari nito, kahit na hindi ka sigurado
kung kaya ba niyang buksan ang puso niya para sa’yo.
May
mga kaganapang hindi natin inaasahan, may mga kaganapan din namang inaasahan
natin ngunit hindi kagaya ng iniisip natin, minsan ay mas higit, minsan naman
ay kulang. Maraming mga bagay dito sa mundo ang dapat pa nating intindihin ng
mas malalim—ang pagmamahal na nahahati sa maraming aspeto ng ating buhay. Pagmamahal
na baling araw ay gusto nating makamtan, hindi man ngayon ,ngunit darating din
ito SA TAMANG PANAHON.