Monday, March 11, 2013

"Sabi nga nila na dapat hindi mo e-judge ang tao sa panlabas niyang ka-anyuan.."


Dear Kuya Charles,

Magandang Araw po.
Ako po ay isa sa mga humahanga ng inyong mga blogs…nabasa ko po na kayo ay nagbibigay rin ng payo sa sinumang nangangailangan ng payo…kaya po ay hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon at sumulat po sa inyo ng aking problemang pag-ibig.
Eto po ang aking kuwento:
Nagsimula po ang lahat noong 2nd year high school palang po ako. Magkakapitbahay po kami ng taong lihim kong minamahal noon.Itago nyo nalang po siya sa pangalang Jordace. Mas matanda po siya sa akin ng tatlong taon…noong grade six palang po ako ay nag-attempt napo siyang manligaw  sa akin subalit sa murang edad ko po ay wala sa isip ko ang mga ganyang bagay. Nang magsummer ay umalis po siya papuntang Davao para doon po ipagpatuloy ang pag-aaral ng high school.
Makalipas ng dalawang taon ay nagkita kami ulit. Dalaga na  po ako. Ewan ko po ng mabalitaan kong bumalik na pala siya ay bigla pong akong sumaya. Sa katunayan nga po ay nagtatalon po ako sa sobrang saya. Hindi naman po ako binigo ng panahon dahil sa unang pagkikita pa lang namin ay nararamdaman kong mayroon parin po siyang gusto sa akin. Para po akong dinuduyan sa labis na galak. Tinanong niya po ako kung kamusta na raw po ang standing niya sa akin. Kung pwede na ba raw siya manligaw. Ipinakita ko po sa kanya na hindi ko nagustuhan ang mga tanong niya sabay iwas sa kanya. Pero sa katunayan po ay maligayang maligaya ako. Ganoon na po parati ang sagot ko sa kanya…kapag kinausap niya ako..ay lagi ko siyang binabara, minsan ay tinataasan pa ng boses…lagi ko siyang napapahiya sa mga taong nakapalibot sa amin…kahit ganyan ako sa kanya ay sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil hindi ko kayang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Nagtiyaga siya sa kabila ng mga malalamig na tugon ko sa kanya. Ang huling natatandaan ko bago siya hindi na muli pang lumapit ay nang minsang nagtry siya makipag-usap at ganoon parin ako sa kanya..isa lang ang tanging nasambit niya “IPOKRITA KA TALAGA, GANG”…saka umalis. Buhat noon hindi na siya nagtangka pang mag-open ng nararamdaman niya sa akin. Hindi ko po alam pero namimiss ko po ang mga pakiusap niya.Alam kong pong napa ka-unfair ko. Alam ko napagod na siya at inakalang wala talaga akong gusto sa kanya. Nabalitaan ko nalang po may iba na siyang nililigawan at nagtagal sila ng limang taon na siyang hindi ko inakala na hindi nman pala siya ganoon na hindi marunong magstick to one sa pakikipagrelasyon.
Napakanegative ko po sa kanya..dahil akala ko …lolokohin niya lang ako..na hindi siya marunong magmahal ng tunay..at marami pang iba. ang labo ko po noon…kaya po tuloy ako rin ang nasaktan.
At saka ang akin kasing palagay noon, dahil sa mga bata pa kami baka kapag pinayagan ko siya siyang manligaw ay maghihiwalay lamang kami..sa isip ko saka nalang kapag nasa kolehiyo na ako. Siya po kasi ang pinangarap kong maging una ko at huli ko pong mamahalin (corny po heheeh pero totoo po)…
Hanggang po sa nagkolehiyo na po ako. Hinintay ko po siya hanggang nasa 3rd year college nap o ako kaya lang po parang ang hirap maghintay kung hindi niya naman alam na may naghihintay sa kanya. Ako lang po kasi ang nakakaalam eh..mga barkada ko po, mga kuya ko, tanging siya lamang po ang walang alam, pati rin nga po mga magulang ko ay sinabihan ko narin. Ang hirap po ng nafefeel ko noon parang sasabog na ang dibdib ko sa inis at paghihinayang. Sa loob po ng anim na taon kong paghihintay ang dami ko pong naging karanasan, naroon po ang malaman kong naging GF niya ang friend ko back in highschool, nag-iiyak po ako ng 4 na araw, tapos sumunod po ay nalaman ko na ikinasal na ang friend kong yun na sa akala ko naman ay siya ang napangasawa..umiyak nman po ako… hindi po ba para na akong baliw?..kasi nang mga time na yun ay hindi na kami magkapitbahay..lumipat po kasi kami..kaya hindi ko na siya nakikita…tapos wala pa nman po akong cellphone noon.
Parati po ako naghahanap ng info tungkol sa kanya..nabalitaan ko rin na nakapagtapos na siya ng kanyang kurso..kaya nawalan narin ako ng pag-asa na magkakaroon ulit ako ng pagkakataong makita ko siya. ..
Nang minsang dumating ang problema sa pamilya namin nang dahil sa kuya ko po..parang ako po ang na-apektuhan..wala po akong mapagsabihan..siyempre narun po mga kaibigan ko..pero nung time na yun ay hinahanap ko ang taong dadamayan ako sa lahat2x..nakita ko sa mga kaibigan ko lahat sila may mga kasintahan na ako nalang ang wala..kaya ng minsang may manligaw sa akin ay sinagot ko nalang…simula noon binitiwan ko na ang paghihintay kay JORDACE…kahit pa lagi ko parin siya naiisip pero winawaksi ko dahil alam ko ako lang ang TANGA…at masasaktan lang ako sa paghihintay na ako lang naman ang nakakaalam..ang hirap po talaga…
Hindi po naging maganda ang naging relasyon naming ng una kong kasintahan…dahil po siguro wala pa akong alam at karanasan sa pakikipagrelasyon ay parang nasasakal ko daw siya..grabe ang sakit na nadama ko noon..iyak po ako ng iyak…ibinunton ko ang galit k okay JORDACE.. kahit hindi naman dapat…feeling ko po hindi ako deserving na paiiyakin lang ng lalaki..ang sakit sakit po talaga..nasabi ko sa sarili ko ganito pala kapag nagmahal. ….
Dahil narin sa kinakapos na ang magulang ko sa pagpapadala ng allowance ko..nagdesisyon po akong magworking student sa isa sa aking professor..nagtrabaho po ako sa kanya bilang all around sa lahat ng gawaing bahay..pati narin ang paglilinis ng Internet Shop niya..kinaya ko po ang lahat para malimutan lahat ng hinanakit ko sa mundo…
Hanggang sa isang araw humingi ako ng favor sa attendant ng shop dahil tapos narin ako sa aking trabaho ay makikigamit muna ako ng isang unit para malibang naman ako..binuksan ko po ang YM ko at nagsimulang magchat2x sa kung sinu-sino..may nakilala po ako..doon sa username niya ay STAR ang pangalan..nagkaroon kami saglit ng salitan ng mga opinion..nalaman niya na working student ako at ganun din siya..bigla po siya nagka-interes sa akin at hiningi ang mobile # ko…eh siyempre po binigay ko ..pero ng binigay niya ang mobile # niya ay hindi ko pinansin..kasi sa isip ko sino ba namang timang ang maniniwala na magkikita kami eh ang layu-layo po ng lugar namin sa sa isat-isa…sa GENSAN po ako at siya ay sa ZAMBOANGA po…imposible po talaga..
Doon po nagsimula ang pagkakaibigan naming ni STAR..hanggang po sa naging kasintahan ko na siya hanggang ngayon..limang taon na po kaming magkarelasyon..kung iisipin nga po ay napakacute ng story naming dalawa..every year po ay umuuwi siya amin para ako ay bisitahin..nang makapagtapos po siya noong 2011 ay nagsama po kami ng mahigit isang taon..at wala naman pong problema.. kasal na lang po talaga ang kulang sa amin…noong JULY 2012 umalis po si STAR papuntang CEBU para mag-apprentice dahil gusto niyang magtrabaho sa mga cruise ship sa labas ng bansa. Ako naman po ay andito na sa Manila para makipagsapalaran din dahil may plano kami na kapag stable na ako ay magtutulungan kami sa mga papeles niya para abroad. Okay napo ang lahat..excited na ako sa magiging kalabasan ng mga plano naming. Hanggang sa isang iglap.
Kung saan po gusto ko nang lumagay sa tahimik ay siya naman pong dating ng isang taong matagal ko ng pinapangarap…sa tagal po ng panahon mahigit 10 years kaming hindi nagkaroon ng communication, nagkaroon kamin ulit dahil sa FB. Gusto ko po sanang huwag nalang pansinin..kaya lang dinala po ako ng mga kamay ko na magreply sa kanya..sa tanang buhay ko po ngayon lang po ulit ako nakaranas na ang saya-saya ko…talagang walang pagsidlan ang kaligayahan ko,…tinanong niya po ako kung dalaga parin po ako..siyempre sinabi ko po ang totoo na may kasintahan na ako at malapit ng magpakasal..binalik niya ang mga kahapon na pinanggagawa ko sa kanya..ang dami niyang tanong sa akin..na pilit ko namang sinasagot kahit punong-puno ako ng panghihinayang dahil alam kong mutual ang nararamdaman naming sa isat-isa..
Sa limang taon ng pagsasama naming ni STAR hindi ko alam pero minsan ay tinitigan ko siya ng matagal…dahil pilit kong inaarok bakit parang may kulang akong nararamdaman…nang minsan inalok niya na akong magpakasal ay para ayoko..kahit pa wala namn akong iniisip na iba noon..na para bang may hinihintay po ako..pero aaminin ko po lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko dahil salawahan ang isip ko dahil lagi ko pong napapanaginipan si JORDACE..ewan ko po ..ang labo ng puso ko…
Hirap na hirap po ako ngayon..ano po ang gagawin ko…hindi po ba kalabisan na sabihin ko ang sekreto ko noon kay JORDACE o baka naman po umaasa parin ako ng mabigyan ng pagkakataon ang feelings naming sa isat-isa ni JORDACE…
Ang hirap po magdecision dahil alam ko po MAHAL NA MAHAL ako ni STAR ang dami niya po sinacrifice para sa akin, mabait po siya at IDEAL po siya maging ASAWA..ngayon nga po ay naguguilty na ako dahil bigla po nawala ang dating love ko kay STAR ng ganun-ganon  nalang….hindi ko po maintindhan…hindi ko namn po sinabi kay JORDACE ang nararamdaman ko…ang alam din niya ay KAIBIGAN lang ang turing ko sa kanya..pero hanggang ngayon ay anjan pa pala…
Ang hirap po…sana po ay matulungan nyo ako sa problema kong ito…
MORE POWER po sa inyo…!

Sanay marami pa po kayong matulungan..
Lubos na  Gumagalang,

ACE


_______________AND HERE IS MY ADVICE ...
 ...Sinasabi nila na FIRST LOVE NEVER DIES .. at sa aking palagay ay naniniwala ka parin sa kasabihang iyon ...totoo naman talaga ang quotation na iyon dahil sigurado akong walang sinumang makakalimot sa kung sino man ang unang nagpatibok ng puso mo ... kaso ,, ang mali nga alng doon ay, "lihim"---dito sumasablay ang maraming tao .. sa "LIHIM",,,dahil una sa lahat... kapag nagmahal ka ng palihim ,,, ay patuloy mong sinasaktan ang puso mo kahit nasasakal kana sa mga pangyayari ,,at isa pa ...normal lang ang magmahal ng lihim , pero sana ay dumating yung araw na handa mo nang sabihin iyon ,,,ngunit siyempre, sa bawat aksyon ay may nakaakibat na reaksyon ...at sa bawat reaksyon , may nababagabag na relasyon ..alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin ... ,,,
Ikaw na rin ang nagsabi na mahal ka ni STAR at sobra ang pagmamahal niya sayo ..at sa'yo pa mismo nanggaling ang salitang IDEAL siyang maging asawa mo ... hindi ba't sapat na dahilan na yon para pagtuonan mo na nang pansin ang magiging kinabukasan mo sa kanya ? ... Dahil sa isang malawakang pag-iisip ... siya ang tumugon ng lahat ng iyong pangangailangan sa pagibig noong sumuko ka sa paghihintay kay Jordace ...Ikaw  mismo ang sumuko kaya hindi mo na dapat ibalik pa ang nakaraan sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa mga bagay na hindi naman natin dapat pang balikan ...Ngunit ang desisyon ay nasa iyo ... "Sino ba ang mas pipiliin mo ? ..ang taong minahal mo ng palihim pero nawala rin sa isip mo ? o ang taong pumuna ng pag-ibig na nawala sayo simula ng nalaman mong magnda ang kanyang pakikitungo sayo ?"--sino ba sa palagay mo ang nangingibabaw sa puso mo ?--- ang taong matagal mo nang pinapangarap? o ang taong nariyan na sa tabi mo pero di mo na napapansin simula ng magkatagpo kayong mul ? --- Wala ako sa lugar upang sumagot sa mga katanungang iyan ..ikaw lang ang makakapagsagot niyan ...at ang iyong desisyon ,, ay rerespetuhin din naman  ...---ito lang ang masasabi ko sa'yo ..."kung patuloy kang nagpapaapekto sa kung ano man ang nakaraan mo, hindi na iyon magbabago kahit na nariyan kana sa kinaroroonan mo ,,ngunit kung matututo kang tumanggap na hindi talaga kaayo ang para sa isa't isa ...malalaman mo sa sarili mo ___ ANG SARAP MABUHAY KAPAG KAPILING MO ANG NASA TABI MO NGAYON "--- :) i hope it helps ...you can send your reply to this advice with my gmail account ! :) GOD BLESS !! MALALAGPASAN MO RIN YAN :)...