Sunday, October 19, 2014

Mahal Ko O Mahal Ako?

Mahal Ko O Mahal Ako?

    
          Sino ba ang nararapat? Siya ba na mahal ko, o siya na handang maghintay at ipaglaban ako? Isip ba o ang puso? Nakakalito na di ba? Yung tipong nangungulit yung isa pero di mo pinapansin kasi may mahal kang iba, tapos, yung mahal mo, may mahal ding iba. Parang ferris wheel …Gusto mong maabot at matanaw ang tuktok, pero nag-aalangan kang sumakay kasi alam mo rin naman na ikut-ikot lang. Nakakahilo . Nakakalula. Nakakapraning. Nakakatakot. Pero once na nakapag desisyon kana… aakalain mong tama, pero hindi pa pala. Ferris wheel pala talaga.
          Naaalala mo ba nung una mo siyang nakita? Unang nakilala? Unang nakasama? … Parang kalian lang diba? Yung mga araw ng kasiyahan na bumalot sa  buong katauhan … hanggang sa natutunan mo na siyang mahalin. Ngayon, naaalala mo pa ba nung nagtapat ka sa kanya? Yung araw na sinabi niyang hanggang kaibigan ka lang. Yung araw na mayroon na rin siyang iba.    Masakit di ba …
          Pero ayun na nga, may superhero. Darating nalang bigla sa buhay mo at laging nandyan para sayo ..Kay superhero naman, Naalala mo ba nung una mo siyang nakita? Nakilala?nakasama? … Yung mga araw na … siya lang ang Masaya, at ikaw… personal niyang kasama, pero lumilipad ang isip. Mahal ka niya, pero ikaw… umiibig sa isang taong may iba na.
          Ferris wheel lang talaga yan . Sa unang impresyon, magiging Masaya ka, pero pag pumasok ka na, matatanaw mo ang iba’t ibang anggulo ng buhay, ng pag-ibig, at ng mga taong nandyan para sayo. Pero ang tanong? Sino ba ang nararapat? Mahal ko o mahal ako?

          Sa  tanong na iyan, walang diretsong kasagutan,  pero kung naging unfair yung una sa iyo, wag mo siyang gayahin… suklian mo ng pagmamahal ang pag-ibig na inalay sayo ng taong nagmamahal sayo,..malay mo , baling araw, matutunan mo rin siyang mahalin. Hindi naman kasi lahat ng bagay nakukuha natin , minsan, kusa na palang lumalapit sa atin, pero hindi natin pinapansin dahil masyado na tayong nagfocus sa mga bagay na hindi naman para sa atin. Sabi ko nga , ganyan lang talaga ang buhay, parang Ferris Wheel.




twitter: charldroidz

Friday, May 2, 2014

Darating Din Ang Tamang Panahon

Mahirap maghintay ng tamang oras, ..
Walang sinumang makatutukoy kung kailan ito. Walang sinumang makapagsasabi kung hanggang saan hahantong ang paghihintay dahil wala rin namang kasiguraduhan na lahat ng plano mo sa tamang oras ay gagana.
Naghihintay ka lang ng oras kung kalian mo masasabi ang nararamdaman mo para sa kanya, kasi, ‘di mo kayang sabihin dahil mas pinagtutuunan niya ng pansin ang ibang mga bagay.Pinakikinggan mo lang ang pitik ng bawat Segundo dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang iyong nararamdaman, hindi naman dahil sa torpe ka, kung’di dahil natatakot ka sa kung anuman ang magiging reaksyon niya pag nalaman na niya ang iyong nararamdaman para sa kanya. Mahal mo nga siya,pero ‘di mo masabi dahil buong buhay mo kaibigan lang ang turing niya sa’yo, at natatakot ka na baka sa isang iglap ay mawala ang lahat ng inyong pinagsamahan.
            MAHIRAP! SOBRANG HIRAP…
Nagtitiis ka, wala kang ibang gagawin kung’di magtiyaga at maging kuntento sa kung anuman ang kaya lang niyang ibigay sa’yo, kahit na walang kasiguraduhan kung balang araw ay kaya niyang maibigay sa’yo ang pagmamahal na hinihiling mo nang patago.
Hindi mo malalaman kung hanggang kalian ito dahil habang naghihintay ka ay may mga importanteng bagay na nakakalimutan mo dahil sa halu-halong nararamdaman mo.Hindi mo rin alam kung susuko ka ba  sakaling ‘di niya masuklian ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya.
At sa iyong paghihintay, maraming pagsubok, napapaisip ka nalang na baka “walang tamang oras ” para sa inyong dalawa, natatakot ka na baka sa isang iglap ay lamunin ng pagkabahala ang lahat ng inyong pinagsamahan. Nababahala ka dahil minsan, ayaw mo na itong ituloy, pero may bumubulong pa rin sa iyong pagkatao na kakayanin mong maghintay dahil siya na talaga ang gusto mong makasama. Nahihirapan ka dahil sa haba ng panahon ng iyong paghihintay ay marami ng mga bagay ang iyong sinakripisyo – sinarado mo ang puso mo sa ibang tao dahil gusto mo siya lang ang nagmamay-ari nito, kahit na hindi ka sigurado kung kaya ba niyang buksan ang puso niya para sa’yo.

            May mga kaganapang hindi natin inaasahan, may mga kaganapan din namang inaasahan natin ngunit hindi kagaya ng iniisip natin, minsan ay mas higit, minsan naman ay kulang. Maraming mga bagay dito sa mundo ang dapat pa nating intindihin ng mas malalim—ang pagmamahal na nahahati sa maraming aspeto ng ating buhay. Pagmamahal na baling araw ay gusto nating makamtan, hindi man ngayon ,ngunit darating din ito SA TAMANG PANAHON.


Thursday, March 6, 2014

Tagalog Love Quotes(PART2)

All quotes created by me :)

 follow me on twitter : @charldroidz
 add me on facebook : https://www.facebook.com/charles.lim.52056

...........................................................................................................................................................
1. Sinaktan ka na, pinaasa ka na, ginago ka na , tapos MAHAL MO PA? Bukas may prusisyon ng mga TANGA!- Sa Unahan ka hah?



2. Kung mahal mo siya, ipaglaban mo! hindi yung tinititigan mo sila habang ikaw hindi ka pinapansin na parang isang damo .



3. Porket may mahal na siyang iba magpapakamatay ka na? Gago ka ba?! Magpapakamatay ka ng dahil sa kagaguhan niya?!

4. Wag KANG UMASA -  kaya nagmumukha ka nang tanga eh ! Assume ka ng assume , samantalang sila Resume ng resume !



5. Ayaw mong niloloko pero pag ikaw ang nanloko todo deny ka sa gf/bf mo?Hoy hah! Marami na ang Gago sa mundo ! wag ka na dumagdag! "no space for new messages na!"



6. Nag ring ang phone , nag assume ka na siya, tapos hindi pala, edi ayun !bwisit ka na .. pag naman nag text na, wala kang reply?! uy! (--__--) anyare? tampo agad? Baliw! pag di na naman nagtext sayo hintay ka naman ng hintay? Isip-isip din pag may time!



7. Magkaiba ang kahulugan ng "Mahal kita dahil kailangan kita" at ang "Kailangan kita dahil mahal kita" .. eh ako? ano ako sayo dyan sa dalawa?



8. Friendzone - patunay na ayaw niya ng may break-up sa pagitan niyong dalawa! Remember, friendship is the best relationship .



9. Nagmahal pero nasaktan , parang exam lang yan eh ! nag-aral pero bumagsak , kasi kailangan
INTINDIHIN ! hindi yung basta mo nalang alam.



10. Ang daming plastik ngayon , yung bang pag kaharap mo kaibigan mo , pero pagtalikod mo ,crush ka pala! :P



11. Mahal mo siya, may mahal siyang iba, may nagmamahal sa'yo , may taong gusto siya ! Yan ang love, maraming singit ! Pero pag nasa iyo na ba ang opportunity? mapapakatanga ka parin ba sa mahal mo, kahit na mayroon ng nakakuha ng opportunity para mahalin siya?



12.Tandaan ! may salitang "Last na to" at "ayoko na" , dahil minsan sumusubok ka ng isang beses pa, ngunit tulad ng dati , hindi mo kinaya .



13. Ang Last Chance , ginawa lang yan para matapos ng maayos ang ang inyong pinagsamahan .Promise!
tanungin mo man sarili mo !



14. Bukas ang isip para sa bagay na dapat malaman , bukas ang puso para sa mga bagay na dapat intindihin.



15. May mga bagay na dapat paniwalaan at may mga bagay na dapat pakinggan na lang.



16.Sinong nagsabing isa lang ang PUSO? dalawa kaya yan! Isang pusong mapagmahal at isang pusong nais Maghiganti , pinagsama lang sa isa para ipakita na mas lamang ang PAGMAMAHAL !



17.  Sa panahon ngayon mas masarap pakinggan nag "Tres nag grade ko!" kesa sa "I Love You" ! ahaha!



18.Saludo ako sa mga taong loko-loko pero di marunong manloko.



19 .Ang pag-ibig parang pinggan lang yan , inilalagay yung kayang ubusin ! Parang love, ginagawa lang ang kayang gawin , at sapat na iyon para ipakita ang pagmamahal mo. Nakakabusog na.



20. Daig pa ng broken-hearted ang hinampas sa pader.






-------More Quotes Tomorrow!
#Charldroidz

March 06, 2014


Wednesday, March 5, 2014

BREAKING THE SILENCE !

Well , this blog was in silent mode because I, the author and the owner of this blog became busy lately . But now , I just want to tell you that even this blog became inactive for the past few months,  I am still writing ideas about love and I will be posting them as soon as I finished my Finals this 2nd Semester ! :)
I hope you understand GUYS! :) Thanks for giving love, sharing love, and exploring love to its deepest meaning here at HBU !

Thanks to all viewers that keep on viewing my blog post even if I became inactive in posting new blogs. Even though i became silent , the ratings are still getting higher and higher and I think the reason behind it is MAGIC ! - the magic that binds love into the viewers to keep reading and learning things about love here .

Thanks EVERYONE! :)HAVE A GREAT SUMMER!

#Charldroidz

follow me on twitter :@charldroidz

Friday, August 16, 2013

LONG-DISTANCE RELATIONSHIPS?? *Not A Problem Anymore*

Follow me on twitter : @charldroidz

Long distance relationships have always had the stigma that they don't work. Some relationships experts disagree. "Having a successful, long distance relationship is possible," says Paul A Falzone, CEO of The Right One and Together Dating, the largest brick-and-mortar dating service in the world. "It's important that you both understand what's involved and that you're dedicated to working at communicating." ;))


Long distance relationships: Make 'em work!

If you're considering a long distance relationship or fall into one without much of a choice, don't worry -- there's help on the way. We turned to the experts for some tips on how to make your long distance relationship work. Here's what we uncovered:
1

Use the phone

Natasha Grach and her boyfriend have been together for seven years, and it was not easy at first. "We started our relationship apart for six months -- we were both college freshmen and he was in Russia studying abroad," she explains. "We kept things going by talking on the phone a lot -- sometimes as much as six to seven hours at a time!"And to make matters worse, talking on the phone for that long wasn't cheap. "Yes, there were calling cards, but that was such a hassle for us and they ran out really quickly with all those maintenance charges," she adds.
Grach advises not to let the logistics get in the way of talking on the phone with your partner everyday -- it's one of the most important things you can do to make a long distance relationship work.

2

Utilize other modes of communication

If you can't reach each another on the phone, then e-mail, IM and text messaging will do, says Falzone. "When you're stuck in a meeting halfway across the world, it's always heartwarming to receive a loving text message from your sweetheart," he points out. "Set aside a certain time, every day, to connect with each other."
With such busy lives and so many obligations pulling at you from all different directions, it's easy to neglect communicating in a long distance relationship. Using other modes of communication will keep you and your partner close even though you're technically far away from each other.
Keep the romance alive
You and your beau might not see each other every day, but it's important to keep the love going and present. "Give a little something -- mail a gift, write a love song, send a balloon-o-gram, order lunch and have it delivered to your honey -- just make it happen," says Falzone.
"You're not physically together all the time to enjoy those little extras that your sweetheart might do for you (like bringing you a latte made just the way you like it). Your sweetie will feel cherished knowing that you're thinking of him enough to send a special surprise." Plus, he will probably return the gesture and will make you feel super-special.

Partake in an even-trip exchange
Odds are you and your love will be visiting each other. It's important to make this even to avoid a disgruntled other-half. "Make sure that each person takes a turn visiting the other's city," says Debra Berndt, a dating and relationship expert, and author of the book, "Let Love In." "This way no one feels as though they are doing all the traveling, thus making all the effort in the relationship."


Don't take things (too) personally 

"Set aside a certain time, every day, to connect with each other."
Things will get in the way so be prepared. Since you and your partner live separately, odds are you'll maintain your lives in your own cities (as you probably should). It will help your relationship if you remain understanding and flexible.
"Changes in plans come up, work gets in the way and family emergencies emerge as a normal part of life. If your partner cancels a trip, do not take it personally and make a huge deal over the change (unless it becomes a regular pattern of behavior)," says Berndt. "Remember that you accepted the relationship as it is and must adjust to last minute cancellations as part of the deal."