Sunday, October 19, 2014

Mahal Ko O Mahal Ako?

Mahal Ko O Mahal Ako?

    
          Sino ba ang nararapat? Siya ba na mahal ko, o siya na handang maghintay at ipaglaban ako? Isip ba o ang puso? Nakakalito na di ba? Yung tipong nangungulit yung isa pero di mo pinapansin kasi may mahal kang iba, tapos, yung mahal mo, may mahal ding iba. Parang ferris wheel …Gusto mong maabot at matanaw ang tuktok, pero nag-aalangan kang sumakay kasi alam mo rin naman na ikut-ikot lang. Nakakahilo . Nakakalula. Nakakapraning. Nakakatakot. Pero once na nakapag desisyon kana… aakalain mong tama, pero hindi pa pala. Ferris wheel pala talaga.
          Naaalala mo ba nung una mo siyang nakita? Unang nakilala? Unang nakasama? … Parang kalian lang diba? Yung mga araw ng kasiyahan na bumalot sa  buong katauhan … hanggang sa natutunan mo na siyang mahalin. Ngayon, naaalala mo pa ba nung nagtapat ka sa kanya? Yung araw na sinabi niyang hanggang kaibigan ka lang. Yung araw na mayroon na rin siyang iba.    Masakit di ba …
          Pero ayun na nga, may superhero. Darating nalang bigla sa buhay mo at laging nandyan para sayo ..Kay superhero naman, Naalala mo ba nung una mo siyang nakita? Nakilala?nakasama? … Yung mga araw na … siya lang ang Masaya, at ikaw… personal niyang kasama, pero lumilipad ang isip. Mahal ka niya, pero ikaw… umiibig sa isang taong may iba na.
          Ferris wheel lang talaga yan . Sa unang impresyon, magiging Masaya ka, pero pag pumasok ka na, matatanaw mo ang iba’t ibang anggulo ng buhay, ng pag-ibig, at ng mga taong nandyan para sayo. Pero ang tanong? Sino ba ang nararapat? Mahal ko o mahal ako?

          Sa  tanong na iyan, walang diretsong kasagutan,  pero kung naging unfair yung una sa iyo, wag mo siyang gayahin… suklian mo ng pagmamahal ang pag-ibig na inalay sayo ng taong nagmamahal sayo,..malay mo , baling araw, matutunan mo rin siyang mahalin. Hindi naman kasi lahat ng bagay nakukuha natin , minsan, kusa na palang lumalapit sa atin, pero hindi natin pinapansin dahil masyado na tayong nagfocus sa mga bagay na hindi naman para sa atin. Sabi ko nga , ganyan lang talaga ang buhay, parang Ferris Wheel.




twitter: charldroidz